KABANATA 37: CELEBRATION PARTY

Magsimula sa umpisa
                                    

" Magandang hapon po, Tito at Tita. Sayo rin Kuya Sebastian. " nakangiti kong pagbati sa kanila

" Oh, James, pauwi ka na ba iho? " tanong ng mama ni Alexa sa akin.

" Opo, tapos na rin naman po ang pageant. " magalang na sagot ko sa kaniya

" Nagpahanda kami ng dinner, sa bahay ka na maghapunan. " paanyaya sa akin ng papa ni Alexa

" Naku, nakakahiya naman po. " nahihiyang pagtanggi ko sa paanyaya niya

" Do not be, parang di ka parte ng pamilya ah. " pagkumbinsi ni Tito sa akin.

" Oo nga, isa pa, gusto kitang makausap. Nabanggit kasi sa akin ni Mom and Dad ang pagpapaalam mo sa kanila upang ligawang muli ang kapatid ko. " mahabang turan naman ni Kuya Sebastian

" Sige po! " tugon ko kaya napangiti sila Tito at Kuya Sebastian habang si Tita ay seryoso pa rin ang tingin.

Alam ko na sa pagsama ko sa kanila ay maiilang si Alexa ngunit wala na akong magagawa dahil mukhang di titigil si Tito at Kuya Sebastian na pilitin ako hanggang sa mapapayag ako nito. Isa pa, kailangan ko makuha ang boto nila sa panliligaw ko kay Alexa. Ito lamang ang paraan upang maprotektahan ko siya laban sa babaeng iyon. Sabay – sabay na kaming pumunta ng parking lot sapagkat doon na lamang daw sila magkikita ni Alexa. Napag – alaman ko din na kasama rin pala si Rhea, si Ken at Caleb sa dinner.

ALEXA'S POV

Makalipas ang higit isang oras ay natapos na ang picture taking kaya naman dumiretso na kami ni Ken sa parking lot upang kunin ang sasakyan niya. Sa tagal kasi namin ay napagdesisyunan ko ng paunahin sila Mom and Dad sa bahay dahil baka maghintay sila ng matagal. Ngunit, bago kami dumiretso sa parking lot ay nagpalit muna kami ng damit sapagkat medyo nahihirapan na din ako sa suot kong gown.

Pagdating namin sa parking lot ay nakita namin si Caleb at Rhea sa loob ng sasakyan ni Ken na halos isang dipa ang pagitan. Ano to? Social distancing? Bagong uso? Nagkatinginan kami ni Ken ngunit parehas lang kaming nagkibit balikat dahil hindi pa rin namin alam kung ano ang problema ng dalawang yun. Imbes na mamroblema sa dalawa ay sumakay na lamang kami sa sasakyan at sinimulan na ni Ken paandarin ang sasakyan.

Makalipas ang dalawampung minuto ay nakarating na kami sa bahay. Agad naman kaming tatlong bumaba ng sasakyan habang si Ken ay inayos pa ang pagparada ng kaniyang kotse. Pumasok na kami sa bahay at naabutan namin sila Mommy sa dining hall habang naghahanda ng pagkain.

" Oh, andiyan na pala kayo. Asan si Ken? " nakangiting tanong ni Mommy

" Nagparada lang po ng kotse niya, susunod na din po iyon. " sagot ko naman sa kaniya.

" Si kuya po pala? " tanong ko kay Mommy

" Nasa library, pababa na rin siguro iyon dahil pinatawag ko na sa kasambahay. " paliwanag ni Mommy

" Si daddy po? " tanong ko muli kay Mommy

" May sinagot lamang siyang tawag sa opisina, susunod na lang din iyon. " sagot ni Mommy

" Magsi-upo na kayong tatlo dito ng makakain na din tayo pagdating nila. " pag – aya ni Mommy sa amin

Tumango na lamang kami bilang tugon sa paanyaya ni Mommy saka dumiretso sa mga bakanteng upuan sa harap ng mesa. Makalipas ang ilang sandali ay dumating na din si Daddy.

" Andito na pala ang reyna ng BEU " nakangiting turan ni Daddy

" Whooo! " sigaw ni Rhea saka pumalakpak pa kaya natawa si Daddy habang ako ay namula

Maya – maya ay nakarinig kami ng yabag papunta sa dining hall kaya naman napatingin ako sa pintuan kung saan naroon si Ken na nakatingin sa may hagdanan. Ang pangungunot ng noo ko ay napalitan ng panlalaki ng mata ng makilala ko kung sino ang bumababa sa hagdan. Anong ginagawa niya rito?

" Oh, andito ka na pala, Ken. Tara na at nagugutom na kami ni James. " pag – aya ni Kuya Sebastian kay Ken

Nginitian na lamang ni Ken si kuya kahit na tingin ko ay naiilang siya sapagkat andito na naman si James. Sabay – sabay silang tatlo na pumunta sa kinaroroonan namin. Akmang uupo sana sa tabi ko si James ng bigla siyang hatakin ni Rhea kaya napaupo ito sa katabing upuan ni Rhea. Ayun naman ang naging pagkakataon ni Ken upang tumabi sa akin.

" Kumain na tayo! " pag – aya ni Dad sa amin

Ngumiti na lamang kami saka nagsimulang kumain. Habang kumakain ay nararamdaman ko ang pagsulyap sa akin ni James ngunit hindi ko ito binibigyang pansin sapagkat nag-aalala ako sa tahimik na si Ken. Nagsasalita lamang kasi ito kung sasagot siya sa tanong ng mga magulang ko at ni kuya. Pagtapos ay mananahimik na naman muli. Hanggang sa matapos kaming kumain ay nanatiling tahimik si Ken.

ITUTULOY! 

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon