KABANATA 30: LAST REHERSAL

24 2 0
                                    

Imbes na sumagot pa ay nagsimula na akong kumain. Gosh, pinaghandaan ko naman ket papano yung contest na iyon kaya ayaw ko din masayang ang effort ko.

" Dahan dahan naman parang isang taon kang di pinakain ah " natatawang pambuburyo sa akin ni Ken kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.

Natatawang tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay bilang senyales ng kaniyang pagsuko. Kabadtrip talaga tong lalaking ito, pasalamat siya at nagmamadali ako. Maya – maya ay natapos na din akong kumain.

" Tara na " pag – aya ko kay Ken pagkatapos kong uminom ng tubig at tumayo sa kinauupuan ko.

" Teka lang naman, katatapos mo lang kumain, pahinga ka kahit 5 minutes lang. " wika ni Ken saka ako hinihila upang umupo muli

" Masyado ka namang worried mister " mapang asar kong turan sa kaniya

" I am so sit down " seryosong wika niya kaya napataas ang kilay ko

Seriously, what is wrong with this guy? Mas prefer ko pa rin na binubwesit niya ako kesa sa mga ganiyang hirit. Narinig ko naman ang impit na tili ni Rhea kaya sinamaan ko siya ng tingin pero hindi nagpatinag ang loka.

" Umupo ka na Alexa, di ka mananalo diyan kapag seryoso siya. " wika ni Caleb na nakanguso pa sa kinaroroonan ni Ken.

" Fine " wika ko saka bumalik sa pagkakaupo

" So beshy, ano pinag usapan niyo ni tita? " tanong ni Rhea habang nangulumbaba pa

" Ano ... " walang masabing sagot ko

" Ano? " tanong ni Rhea

Napaayos naman ng upo si Caleb at Ken, mukhang makikinig din sila. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ito lalo na at nandito si Ken. Ayaw ko namang maoffend siya sa sasabihin ko.

" Ahm, look anong oras na oh, baka mahuli kami ni Ken sa rehearsal " sambit ko pagkatapos ko kunyaring tingnan ang aking orasan upang baguhin ang usapan.

Kumunot ang noo ni Ken at Caleb sa tinuran ko. Si Rhea naman ay napataas ang kilay sa naging asta ko. Gosh, hindi ko pa alam paano sasabihin sa kanila ito kaya wag na lang muna. Binigyan ko muna ng makahulugang tingin upang malaman niyang sa susunod ko na lang ikukwento.

" Oo nga pala, fine fine, next time mo na ikwento. " wika ni Rhea nung maintindihan niya ang nais kong sabihin sa aking mga tingin

" Basta may utang ka sa aming kwento " sambit naman ni Caleb

" Oo na, next time promise " wika ko saka tinaas pa ang aking kanang kamay na parang nanunumpa

" Alright, then let's go ahead na " wika ni Ken saka tumayo na sa pagkakaupo niya

" Enjoy / Goodluck " magkasabay na wika ni Caleb at Rhea

" Thanks " wika ko saka kumaway sa kanila upang magpaalam bago kami umalis sa cafeteria.

Habang naglalakad papunta sa gym ay nanatiling tahimik si Ken. Mas maganda na siguro yun para rin maihanda ko ang sarili ko kung paano ko sasabihin sa kaniya ang plano ni James na ligawan ako. Napahinto ako sa pag – iisip ng tumama ang mukha ko sa likod ni Ken.

" Bakit ka ba biglang humihinto " inis kong asik sa kaniya

" You are spacing out, andito na tayo " wika niya

Napatingin ako sa paligid at oo nga, andito na kami sa gym. Gosh girl, space out pa.

" Mauna ka na sa loob, pupunta lang akong restroom " wika ni Ken

" Bakit? " wala sa sarili kong tanong

Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa sa aking tanong. Aba, parang lagi siyang masaya ah.

" Silly, ano ba ang gagawin sa restroom? " natatawa pa rin niyang turan sa akin

Nanlaki naman ang aking mata ng marealize ko ang naging tanong ko. Argh, I hate you na self, space out ka pa kasi.

" Che, bilisan mo na " pagsusuplada ko sa kaniya upang itago ang aking hiya

" Oo na po, be a good girl " wika niya saka ginulo pa ang buhok ko

" Anong be a good girl? " tanong ko sa kaniya pagkatapos kong tampalin ang kamay niya

" Mamaya makipag – away ka na naman " wika niya sa akin

" Huwag mo akong igaya sa iyo " asik ko sa kaniya

" You are worth fighting for " wika niya saka ngumiti

* dug, dug, dug *

" Teka, need ko na talaga magrestroom " wika niya

Hindi na niya ako hinintay pa na makapagreact dahil mabilis na siyang tumakbo. Nung hindi ko na siya matanaw ay wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib na malakas ang pagkabog dahil sa sinabi niya.

" Oh miss Alcantara, what is wrong? " rinig kong tanong sa akin ng nasa likod ko

" Wala po Sir " sagot ko pagkatapos kong lingunin ang nagtanong sa akin

" Alright, pumasok ka na at magsisimula na tayo " wika ng trainer namin for the pageant

Tumango na lamang ako at tahimik na sumunod sa kaniya ngunit ang aking isipan ay lumilipad na naman kung saan.

ITUTULOY !

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now