" I know mom, sadyang nakakabigla lang din na nagtanong ka po out of nowhere Mom " wika ko sa kaniya
" Well, I just want an update. Is it still fake? Based on his reaction last night kasi, it seems not. " sunod na sunod na wika ni mommy
Napakamot naman ako ng ulo dahil sa mga sinabi ni mommy. Naguguluhan pa nga ako tapos may panibagong tanong na naman si mommy. Tumikhim muna ako bago ko sagutin ang tanong ni mommy ng nakayuko
" We are still fake mom. About his reaction, maraming beses naman na din niyang sinabi na gusto niya ako. " panimula ko
Bago ko ipagpatuloy ang sasabihin ko ay nag – angat muna ako ng ulo upang makita ko ang reaksiyon ni mommy. Agad namang nagsalubong ang aming mga mata at nakikita ko na may gustong sabihin si mommy ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Senyales ko naman iyon upang ipagpatuloy ang sinasabi ko.
" Pero kasi mommy " wika ko sabay yuko ulit
" What is wrong iha? " tanong ni mommy with a worried voice
" Natatakot lang po ako " pag – amin ko sa kaniya
" Na? " tanging nasambit ni mommy
" Na baka masaktan lang ako ulit, just like what happened sa amin ni James " sagot ko
" Hindi ka pa ba nakakamove on kay James? " tanong ni mommy kaya napatingin ako sa kaniya
" O-of course not mommy. Nakamove on na po ako. " sagot ko sa kaniya
" Then why? Bakit natatakot ka sumugal? " tanong ni mommy
" Kasi lahat ng minamahal ko, n-nawawala s-sa a-akin " hikbing sagot ko kay mommy
Tila natataranta namang tumayo si mommy mula sa shivel chair niya at niyakap ako.
" Hush, do not cry sweetie " pag – aalo sa akin ni mommy
" I-I am sorry mommy, c-cry b-baby p-pa r-rin a-ako " wika ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
" It is okay sweetie; we are here for you. " wika ni mommy
Ilang sandali pa ay tumigil na rin ako sa kakaiyak. Kumalas naman na ng yakap sa akin si mommy at umupo sa tabi ko.
" Anak, wag mo sanang isara ang pinto ng puso mo para sa mga gustong pumasok dito. " wika ni mommy habang hinihimas ang kamay ko
" I know naman mommy, it is just natatakot lang ako. " wika ko kay mommy
" Do you like James? Do you like Ken? " magkasunod na tanong ni mommy sa akin
" I honestly do not know Mommy. Nalilito pa rin po ako hanggang ngayon. " pagtatapat ko kay mommy
![](https://img.wattpad.com/cover/311093475-288-k18414.jpg)
YOU ARE READING
BLIND DATE | COMPLETED |
Teen FictionThey say mapagbiro ang tadhana. At sa dinami-dami ng taong pwede netong paglaruan tayo pang dalawa. Will we win or we will just be a victim of fate - Alexa We started things wrong, will our ending be right. - Ken Tadhana ang nagsimula ng ating kuwen...
KABANATA 29: CONVERSATION
Start from the beginning