KABANATA 27: FIGHT

Start from the beginning
                                    

" Ihatid kaya kita sa gym " dagdag niya pa

" Okay na ako, kaya ko " nakangiti kong turan sa kaniya

Hindi na siya sumagot kaya naman tumayo na ako at kinuha ang paperbag na dala ko pati na rin ang pouch ko saka nagpaaalam kay Rhea at umalis ng classroom. Before ako dumiretso sa gym ay napagdesisyunan ko munang pumunta ng comfort room upang ayusin ang sarili ko. Medyo nagulo kasi ang make-up ko dahil sa pag – iyak ko kanina kaya naman magrere-apply ako dahil ayaw ko naman maging panget habang nagpapraktis.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos ko ng ayusin ang sarili ko. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at may 10 minuto pa naman bago mag alas otso ng umaga kaya sapat pa ang oras ko para pumunta sa gymnasium. Paglabas ko ng comfort room ay may mga estudyanteng nagtatakbuhan kaya naman labis akong nagtataka.

" Beshy ! " nagulat ako sa pagsigaw ni Rhea mula sa kabilang ibayo ng hallway kaya kumunot ang noo ko

Patakbo naman siyang pumunta sa pwesto ko.

" Si hah Ken " wika niya na tila mauubusan pa ng hininga

" Anong meron kay Ken? " takang tanong ko sa kaniya

Imbes na sagutin ay hinatak ako nito papunta sa daan ng gymnasium. Buti na lang na bago ako lumabas ng comfort room ay napagdesisyunan kong magpalit muna ng heels kung hindi ay nagkatapilok tapilok na ako dahil sa bilis ng takbo niya.

Hinihingal ako nung makarating kami sa gymnasium pero mas kinabahan ako ng makitang may nagkukumpulan na mga estudyante habang nagchecheer pa.

" Whoo, sapakan na yan "

" Suntukan ! Suntukan ! "

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Hinatak naman ako ni Rhea at nakipagsiksikan sa crowd hanggang sa makarating kami sa pinakaunahan. Napasinghap ako sa nakita ko. Si Ken na nakasalampak sa sahig habang dumudugo ang labi at si James na nakatayo pero gusot gusot na ang kwelyo at dumudugo din ang labi. Hindi ako sigurado kung nakikita ako ni Ken dahil nasa likod niya kami. Nakita ko din si Caleb na may black eye kaya kumunot ang noo ko, nakisali din kaya siya sa suntukan?

" Di ako makapaniwala na ipagpapalit ako ni Alexa sa mahinang katulad mo " singhal ni James

" Sinong mahina sinasabi mo ha? " nanggagalaiting wika ni Ken saka tumayo

" You do not deserve her. Sarili mo nga di mo maprotektahan! " Singhal ulit ni James

" Do not ever underestimate what can I do for her. " galit na wika ni Ken

Nataranta ako ng akmang susugurin ni Ken si James ulit kaya tumakbo ako sa pwesto nila.

" Tama na " mangiyak ngiyak kong awat kay Ken habang yakap siya from behind

Naramdaman ko naman ang pagrelax ng mga muscle niya sa katawan. Naramdaman ko din ang paghawak niya sa mga kamay ko.

" Alexa " halos paos niyang tawag sa akin

" Tama na please " nagmamakaawang turan ko sa kaniya habang nakasobsob ang mukha ko sa likod niya

Naramdaman ko naman na gusto niya akong harapin kaya niluwagan ko ang pagkakayakap ko sa kaniya. Pagkaharap niya ay pinunasan niya ang mga luha sa mata ko.

" Papunta dito yung guard! " rinig naming sigaw ng ibang student kaya naalarma ang lahat

Hinatak ko si Ken sabay tumakbo palabas ng gymnasium. Mapapahamak siya pag nahuli siya especially baka madisqualified siya sa Mr. BEU dahil dito. Dahil trusted lamang ang nakakaalam ng mini office ko ay doon ko na siya dinala. Pagkapasok ko ng pinto ay nahahapo akong umupo sa sofa gayun din siya.

Maya – maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto kaya naman pinapunta ko muna ng comfort room si Ken saka binuksan ang pinto.

" Grabe iniwan niyo kami hoooooo" hinihingal na turan ni Rhea pagkapasok niya ng office

Marahil narinig ni Ken na si Rhea at Caleb ang kumatok kaya lumabas na siya sa comfort room.

" Sorry beshy, inisip ko muna kasi itong si Ken. Baka madisqualify siya sa pageant kapag nahuli siya. " paliwanag ko

"Gets naman namin yun sana lang sinenyasan niyo kami. " wika ni Caleb

" Sorry na nga eh " wika ko

" Saka, ano pala nangyari diyan sa mukha mo, bakit namamaga? " dagdag na tanong ko

" Eh kasi naman, aawatin ko sana si Ken at James kaso ang nangyari sabay na tumama sa akin ang mga kamao nila. " paliwanag ni Caleb

" Pfft "

Napalingon kami dahil sa impit na pagtawa ni Rhea kaya sinamaan siya ng tingin ni Caleb.

" Ehem, bakit naman kasi di ka humingi ng tulong sa pag – awat. " natatawang wika ni Rhea

" Kung alam ko lang na dapat palang i-back hug na lang tropa kong ito para kumalma, edi sana ginawa ko na " pasaring ni Caleb

Lahat ata ng dugo ko sa katawan ay umakyat na sa mukha ko dahil sa sinabing iyon ni Caleb. Grabe nakakahiya pala ginawa ko kanina.

" Kung ginawa mo yun, pilay ka sana ngayon. " wika ni Ken kaya naman natawa si Rhea

" K-kukuha lang ako ng first aid kit. " nauutal kong turan sa kanila

" Samahan na kita para makukuha na din ako ng yelo para sa mukha ni unggoy. " wika ni Rhea

" Sinong unggoy ha?! " asik ni Caleb

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad dahil mukhang mamaya pa matatapos ang bangayan ng dalawa. Aso't pusa sila pero ayaw aminin ang nararamdaman sa isa't isa.

" Parang ikaw din in denial " wika ng isip ko kaya muntik ko na masapo ang isip ko.

Tsk, pumunta na ako sa pantry para hanapin kung saan ko nga ba nilagay ang first aid kit ko.

ITUTULOY !

BLIND DATE | COMPLETED |Where stories live. Discover now