WAKAS

334 16 12
                                    

This is the last and final chapter for this story and for this whole series. Thank you for those who read Agravante Series from #1 to here! I really appreciate your votes and comments. Mas lalo akong ginaganahang magsulat kapag alam kong may nag aabang sa story ko. Maraming maraming salamat po. Enjoy the final chapter!

--

Wakas

--

What do they call it again?

Love at first sight?

Natawa ako. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon pero...

"Uh, Miss!" I called.

"Huh?" she looked at me again, nagmamadali na at gustong gusto na sanang umalis pero tinawag ko pa.

Pinakita ko sa kanya ang isang ballpen na nahulog kasama ang mga gamit niya kanina. Nagmamadali kasi siya masyado na hindi na niya ako nakita. Ako naman ay may binabasang libro kaya hindi ko rin siya napansin. Nalaglag ang mga gamit naming dalawa sa sahig pero tinulungan ko muna siya dahil mukhang nagmamadali na talaga. She's maybe in fourth year and... cute.

Doon palang siya tumingin sa akin. Hinihingal pa siya kaya bahagyang naka awang ang bibig. She looked at her ballpen and then back to me again. Nagkatinginan kaming dalawa saglit bago siya tumakbo para kunin ang ballpen niya.

Her wavy brown hair bounced with her as she run. Her perfectly shaped lips are red, her cheeks are kinda red too, hindi ko alam kung may make up ba o natural lang sa kanya 'yon. Her eyes are so captivating kahit nakatingin lang naman siya sa akin.

Kinuha niya sa kamay ko ang ballpen nang nakalapit siya. She smiled slightly but it didn't reach her eyes.

"Thanks," she said and immediately walked away, nagmamadali na talaga dahil late na sa klase.

"You're welcome..." hindi ko alam kung narinig niya ba ako dahil nakalayo na siya.

Pinanood ko siyang tumakbo hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Bumaba ang mga mata ko sa mga libro kong nagkalat pa rin sa sahig. Lumuhod ako para kunin lahat 'yon habang iniisip ang babaeng parang ngayon ko lang nakita rito sa school. Is she a transferee?

"Just get yourself a girl!" humalakhak si Ford at tinulak si Raymond.

Palabas kami ngayon ng school kasama ang iba pa naming kaibigan. Ang girls sa harapan ay nauuna at humahagikgik, may sariling kwento na ayaw kaming isali na mga boys.

"Shut up, Ford," iritado si Raymond dahil kanina pa siya tinutukso ni Ford sa kahit na sinong babae.

"Tama na 'yan," nakangising sinabi ni George, isa pa naming member sa Hero at ang pinaka matanda sa aming lima.

"Girls are so easy to read, Mond. And for sure alam mong maraming nagkakagusto sayo? Come on! You won't live for so long! Enjoyin mo na!" si Ford ulit.

Masyado kasing distracted si Raymond nitong mga nakaraang araw. Hindi maayos ang pagkanta niya at minsan nagkakamali pa sa lyrics sa tuwing nagpapractice kami. Mukhang malalim ang iniisip at may problema. Kaya itong si Ford, babae ang nakikitang solusyon para sa kanya.

I smirked and looked at Raymond. "He already has his eyes for someone."

"Gago, totoo!?" napalingon si Ford sa akin at kay Raymond naman pagkatapos. "Sino!?"

"Tss," Raymond glared at me but immediately looked away. Tumawa ako. "It's none of your business," nauna na siyang maglakad at sumabay doon sa mga girls.

Humalakhak ako. Kinulit naman ako ni Ford sa kung sino ang nagugustuhan ni Raymond. Hindi ko sinabi at pinatahimik lang siya dahil baka mas lalo lang mairita 'yong isa.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora