KABANATA 2

315 11 0
                                    

Kabanata 2

Ballpen

--

Second day of school, medyo magaan pa naman. Wala pa masyadong ginagawa pwera nalang do'n sa una naming teacher na excited yata sa bakasyon at marami agad pinapagawa. Sobrang sungit pa. Nakakairita.

"Jess!" pagtawag ko sa kaibigan na sobrang tagal sa loob ng cubicle.

"Wait up, okay? Matatapos na."

"Late na tayo! Ang bagal mo!"

"Wala pa naman masyadong ginagawa kaya relax ka lang, okay? And mabait ang susunod nating teacher so chill."

"Kahit na. Ayokong nala-late! I have never been late all my life!"

Well, I was late yesterday. First day na first day.

She chuckled. "Agravante."

"Come on! Ba't ba ang tagal mo?" inis kong tanong.

"Saglit lang kasi! Kainis 'to. Naje-jebs yata ako."

"What?!"

She laughed. "Just kidding! Eto na. Makapag madali 'to!"

Lumabas siya sa cubicle at naghugas ng kamay.

"We're already late, Jessica. At dapat lang 'yan sayo dahil nagagalit pa rin ako sayo sa ginawa mo sa akin kahapon," nakahalukipkip kong sinabi.

She chuckled again. "Hindi ko nga 'yon sinasadya, okay? Masyado lang talaga akong kinilig dahil nakita ko ang Hero! I mean... sino ba namang hindi kikiligin sa kanila, right? Sobrang gwapo, ang kikisig at sobrang galing pa kumanta!"

Umirap ako. Bigla kong naalala 'yong Jayden na 'yon. Hindi naman ako gano'n ka-bitter para hindi amining gwapo nga siya. But the attitude? No thanks.

"Matanda nga lang sila ng isang taon sa atin at college na kaya hindi ko na sila masyadong nakikita. Tuwing lunch nalang. Ikaw? Hindi ka ba nagugwauhan sa kanila?"

"No," maarte kong sagot. "I don't have time for boys."

"Really? You haven't had a boyfriend yet or you've just been traumatized?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I don't need a boyfriend. At wala pa akong nagiging boyfriend."

"Seriously?" parang hindi siya makapaniwala. "Ang isang Loreleil Agravante hindi pa nagkaka boyfriend?"

Ayokong binabanggit niya ang totoo kong pangalan pero wala namang tao ngayon dito sa cr maliban sa aming dalawa kaya ayos lang.

"I don't need one. At sa tingin mo ba may lalapit sa akin? Every guys in our school in Manila are scared of me."

Humalakhak siya. "Not surprising. Sa ugali mo ba naman. Kilala na agad kita."

Umirap ako at bumalik sa pagmamadali sa kanya. "Dalian mo na. We're seriously late na, Jess!"

"Okay, okay! Chill!" she chuckled.

Natapos siya at agad na kaming lumabas. Nagmamadali na ako sa paglalakad habang bitbit ang mga libro kong kinuha sa locker kanina. Gagamitin kasi namin ito ngayon.

Jess was chasing me when she suddenly stopped and grabbed my arm causing me to stop too!

"What?" I asked, irritated.

"I forgot my phone!"

"What?! We're already late, Jess!"

"I know! Pero... kailangan kong balikan ang phone ko! That's my life, you know?" maarte niya pang sinabi!

I groaned. "Then, hurry up and go back! Hindi na kita hihintayin at late na talaga ako dahil sayo!"

Ngumuso siya. "Fine! Mauna ka na."

Tumakbo siya pabalik. Nagmamadali naman na akong naglakad. I have never been late like this! Ayokong magkaroon ng record na laging late, noh!

Halos wala nang tao sa paligid. Means, nagstart na ang mga klase. Shit! Second time ko nang mala-late nang ganito. Damn, Jessica. This is her fault. Dapat pala iniwan ko nalang siya agad--!natigil ako!

Tumili ako nang bigla nalang akong bumangga sa isang lalaki! Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nakita pa ang lalaking makakasalubong! Natapon sa sahig ang mga libro ko habang nagkaharap naman kami noong lalaki na may mga dala ring libro! Nagkalat din ang mga libro niya sa sahig!

"Oh, damn!" mabilis kong pinulot isa isa ang mga libro ko.

"I'm so sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," sabi ng lalaki.

I looked at him and saw that he was also helping me find my books sa napaka raming naroon. Mas inuna niya pang hanapin ang mga libro ko kesa ang kanya.

And he's sorry? Ako ang may kasalanan but he's the one saying sorry? But damn, I don't care about that anymore!

"Thanks!" sabi ko nang natapos at tumayo na.

"Here," inabot niya sa akin ang isa ko pang libro.

"Oh, yeah. Thanks again!" I said and hurried to leave immediately.

"Uh, Miss!" he called.

"Huh?" napaharap ulit ako sa pagtawag ng lalaki.

Inangat niya ang isang kulay itim na ballpen. Nagkatinginan kaming dalawa. Malakas ang kalabog ng puso ko dahil sa pagtakbo at sa pagmamadali.

Sa pagsasalubong ng mga mata namin ay do'n ko lang na-realized na ang nakabangga ko pala ay isa pang member ng Hero. I remember him. Isa siya do'n sa tatlo kahapon, sa mga souviners. I don't know his name.

Tumakbo ako pabalik sa kanya at kinuha ang ballpen ko. His books were still scattered on the floor, mas inuna niya talaga ang mga libro ko kesa ayusin muna ang kanya. Siguro dahil halata naman na nagmamadali na ako. Medyo guilty ako na hindi ko na siya matutulungan dahil sa pagmamadali ko.

"Thanks," sabi ko at umalis na talaga.

"You're welcome--" hindi ko na siya masyadong narinig dahil nakalayo na ako.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now