KABANATA 8

175 7 0
                                    

Kabanata 8

Famous

--

"Sam!" boses agad ni Jessica ang narinig ko pagbalik ko sa classroom.

Nagmamadali siyang pumunta sa akin nasa pinto palang ako. Kumunot ang noo ko at bahagyang napa atras nang hawakan niya ang dalawang braso ko.

"Where have you been?!" she asked, almost shouting.

"Sa rooftop. Why?"

"Samahan mo ako! Gosh! Hindi ko nagawa 'yong project natin sa English! Tulungan mo ako sa library!"

"What? Ayoko nga!"

Ngumuso siya. "Sam naman, e!"

"Hindi kita pwedeng tulungan dyan. Bawal 'yon!"

"Ililibre kita mamaya! Ano gusto mo? Kain tayo sa labas? Jollibee? Chowking? Ano? Sige na, Sam!" halos magmaka awa siya.

Tumawa ako. "Fine! Ililibre mo ako, ah?"

"Oo! Sa'n ba gusto mo? Tara na!" hawak niya na ang mga papel na kailangan niya pati notebook.

"Chowking. Sure ka dyan, ah?" habang hinihila niya ako.

"Oo! Basta tulungan mo lang ako rito!"

"Tss. Bakit hindi ka sa boyfriend mo magpatulong nga pala?"

"Wala akong mapapala do'n!"

I chuckled. Pero natigilan din agad. Sa pagmamadali ni Jessica ay nabunggo niya ang isang babaeng tahimik na naglalakad. Nagulat ako. Natapon ang mga libro ng babae habang ang mga papel naman ni Jessica ay nagkalat sa sahig.

"Oh my gosh! Sorry!" anya at isa isang pinulot ang libro no'ng babae.

I looked at the girl and my gaze remained on her for a moment. She's familiar. The straight haired girl, sexy and tall. She looked irritated as she watched Jessica pick up her books.

She's the girl I saw with Jayden yesterday. I guess... his girlfriend?

"Bakit kasi hindi tumitingin sa dinaraanan!" singhal niya sa kaibigan ko.

Nagulat ako do'n. Pinupulot ko na rin ang mga papel ni Jess nang sinabi niya 'yon. Aba't! Nagsorry na nga si Jess, ah!?

"Sorry, sorry," ani Jess at binigay sa babae ang mga libro nito.

Pinulot ko ang huling papel ni Jess. After standing up I noticed the eyes of the students on us. Nagbubulungan. First time ko nalang ulit makita na nasa amin ang atensyon ng lahat. Huling experience ko dito, noong nasa GU pa ako. Ngayon hindi ko alam kung bakit sila nakatingin. Well, wala naman sa akin ang atensyon nila. Na kay Jess at doon sa girlfriend ni Jayden.

"Sorry, Angel," ulit ni Jess.

Angel? She knows this girl?

"Next time look where you're going! Look! Nilukot mo pa ang mga papel ko!" singhal ulit no'ng Angel.

What the hell? Gusto ko sanang sumabat pero pansin kong nasa amin na talaga ang atensyon ng lahat.

"I said I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. Nagmamadali lang kami--"

"Argh! Panira kayo ng araw! Annoying!" inirapan niya kami at pinalipad pa ang mahabang buhok nang tumalikod.

Sarap sanang sabunutan kung hindi lang siya masyadong agaw atensyon. Nanggigigil ang labi ko at gusto siyang ambaan ng suntok.

Jess sighed heavily. Nagkatinginan kaming dalawa. She smirked and shook her head, para bang sanay na siya roon at pinapaliwanag niya sa akin 'yon. Kinuha niya ang mga papel sa kamay ko.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon