KABANATA 12

160 6 0
                                    

Kabanata 12

Show

--

Damn it! Damn it! Damn it!

What the hell?

"Sam! Gusto mo bang lumabas mamaya?" nilapitan agad ako ni Jessica nang pumasok ako sa classroom.

"Aano?" I asked and slowly sat in my chair.

Tinignan ko naman ang paa kong hindi na masyadong sumasakit ngayon. Damn. Pumikit ako nang mariin dahil ayoko nang maalala pa ang nangyari kanina!

"Tutugtog ang Hero mamaya sa plasa! Birthday ng Mayor!" deklara ni Jessica.

Kunot noo ko siyang tinignan. Nilabas ko ang mga gamit ko. "Ayoko."

Ngumuso siya. "Sam naman, e. Ngayon lang, oh?"

"Ayokong magpa gabi ng uwi."

"Maaga lang tayong uuwi! Basta isang tugtog lang ng Hero, uuwi na tayo! Please?"

"Ayoko, Jess."

I sighed and looked at my papers. Lukot lukot na talaga 'yon. Argh! Baka bawasan pa ni Ma'am Sungit grade ko nang dahil lang dito. Masyado pa naman 'yong istrikto.

"Ngayon lang naman, Sam. Sige na. Don't you wanna see how we enjoy ourselves here in the province?"

"Hindi talaga ako interesado, Jess. Ikaw nalang."

"Wala nga akong kasama, e. Please? Promise, saglit lang talaga tayo. Ihahatid ka namin ng driver ko!"

I sighed heavily and looked at her. She did a puppy eyes. Umirap ako.

"Fine."

"Yes!"

Hindi ako mahilig sa kasiyahan. Hindi ako madalas sumama sa mga pinsan ko noon sa Manila tuwing may party silang pinupuntahan dahil ayoko sa maraming tao, ayokong mapalapit sa mga taong interesado sa akin.

But I'm curious. Jess is right, I want to see how they get along here in the province. Especially now that no one knows me, si Jess lang. Just thinking about going there... and no one paying attention to me, no one recognizing me... is so exciting!

Nagsuot ako ng isang crop top t-shirt at maong shorts. Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa daanan kung nasaan ang sasakyan ni Jess, naghihintay na sa akin. Gabi na at marami na ring tao ang naglalakad papunta sa plasa!

"Matching clothes!" tili ni Jess nang pumasok ako at umupo sa sasakyan.

Paanong hindi kami magkakapareho ng damit e ang sabi niya ganito ang suotin ko? Ito pala ang plano niya. Tss.

"Ano ba 'to? Sa bar ba tayo pupunta?"

She chuckled. "Hindi! Sa plasa! Syempre makikisaya tayo do'n, maraming tao, mainit! Kaya ayos lang 'tong suot natin!"

Umirap ako. Pagdating namin sa plasa ay marami na ngang tao. Bumaba agad kami ni Jess sa sasakyan at hinila niya ako papunta sa harapan kung saan may malaking stage. There was a woman talking there and it looked like the show was about to start.

Nilibot ko ang paningin ko sa lahat ng taong naroon. Gaya namin ay nakasuot din sila ng mga maiikling damit kaya saktong sakto lang pala 'tong suot namin ni Jess. May mga hawak silang pailaw, nagpi-picture at may pintura pa sa mukha na para bang nasa sports fest sila.

"Maya maya pa yata magsisimula. Bili muna tayo ng pagkain," sabi ni Jess.

Hinila niya ulit ako sa mga bilihan ng pagkain do'n. May nagtitinda ng hotdog at kung ano ano pang street foods, may nagtitinda rin ng popcorns, mais, at kung ano ano pa.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن