KABANATA 34

192 10 0
                                    

Kabanata 34

Text

--

Galit ako sa kanya. Galit ako dahil hindi siya nagpaalam sa akin noong aalis na siya sa Agusan. Hindi niya manlang sinabi sa akin. Hindi niya manlang ba ako naisip?

But then... bakit niya naman ako maiisip? Ano ba ako sa kanya noon? I have a feeling pero ayoko namang mag assume. Malakas ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay pero nung sa kanya na... hindi na ako sigurado.

I was in-denial back when I was still in Agusan. Hindi ko maintindihan kung bakit big deal sa akin ang pag alis niya. Alam ko na ang sagot pero ayoko lang tanggapin. Hanggang sa naamin ko na nga sa sarili ko.

Gusto ko siya. Hindi si Jayden ang gusto ko kundi siya. The reason why I wasn't hurt when Jayden kissed Angel was because I don't have feelings for him anymore. Siguro may kaunti pang natira, pero unti unti nang nawawala.

It was already Harry. Hindi ko lang maamin. At natatakot din ako dahil... magkaibigan silang dalawa ni Jayden at ayokong masira silang dalawa nang dahil lang sa akin.

But then, nasira ko pa rin sila. Nakasira pa rin ako ng pagkakaibigan. Nice job, Lorie!

Feeling ko tuloy ang sama sama ko.

Pero tapos na 'yon. Ang mahalaga nalang ngayon ay ang nangyayari ngayon. He wants to talk to me. I also want to talk to him to be clear in everything. May galit pa rin ako pero nangingibabaw ang kaba.

"You want anything?" si Harry pagdating ko sa restaurant na ni-reserve niya para sa aming dalawa.

Nasa loob kami ng isang private room at merong waitress sa loob. Hindi ko inasahan na magpapa private pa siya e mag uusap lang naman kami. Maybe because sikat siya at baka ma-rumor pa siya sa akin kapag may nakakita.

Ngayong araw din namin napag desisyunang mag usap. Galing sa bahay niya, umuwi lang ako sa condo ko para maligo at magpalit ng damit at pagkatapos pumunta na sa restaurant na tinext niya sa akin.

Yup. Meron na kaming number ng isa't isa! Oh my gosh, I can text him, right?

Pero hindi 'yon ang mahalaga sa ngayon! Lorie, umayos ka!

"No. Busog pa ako," I said.

Tumango siya at binaba ang kanyang menu. Tinignan ko 'yon at na-realized na hindi rin siya o-order. Siguro dahil kakakain niya lang din. Nabusog naman ako sa hinanda niyang agahan sa akin kanina.

"How are you?" pauna niya.

"Fine," tipid kong sagot.

"I heard nagtatrabaho ka na ngayon sa kumpanya niyo."

Shit. Akala ng lahat noon sa Agusan ay mahirap lang ako o may kaya. Hindi mayaman! Tapos ngayon, may sarili pala kaming kumpanya? Ano kayang iniisip niya?

"Yup. Uh, sa Agra Group."

"You're an Agravante..." he said slowly like he's still processing it in his mind.

Crap! "I didn't hide my surname..."

"But you hide your real name."

Hindi ako nakapag salita. Galit ba siya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo kong pangalan?

"There's no Samantha in your name."

"I have my reason."

He nodded. "I know."

He knows? What does he mean by that?

"Ayaw mong makakuha ng atensyon... 'diba? Ayaw mong makilala ka ng lahat bilang isang mayamang Agravante kaya tinago mo ang totoo mong pangalan. Tama ba ako?"

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin