KABANATA 40

212 13 4
                                    

Kabanata 40

Girlfriend

--

Naging abala ako sa mga sumunod na araw. Idagdag pa ang mga utos ni Lolo sa mga trabahong hindi na niya kayang gawin. I'll go to country to country for meetings and gatherings to represent his name. Gano'n din ang mga pinsan ko pero mas naging abala ako.

"I'll be in Abu Dhabi this week," si Harry sa kabilang linya.

Ngumiti ako dahil sa mga nagdaang buwan, kahit hindi kami madalas magkita dahil parehong busy ang mga schedules namin, medyo close na kami!

"I'm still here in London," I said.

"I'll be in London, too, for a gathering. Pero sa isang buwan pa."

Ngumuso ako. "Nasa Pilipinas na ako no'n. I can't extend. Maraming ginagawa sa office..."

He chuckled. "I didn't say you have to extend."

"But I want to see you..."

Hindi siya nagsalita pero dinig na dinig ko ang pag ngiti niya sa kabilang linya. Nagpigil ako ng ngiti. Kunyari pa 'to!

Hindi ko na na-check pa ang nangyayari sa social media sa sobrang abala ko. Kung natapos na ba ang issue tungkol sa aming tatlo o hanggang ngayon ba pinag uusapan pa rin kami.

Naging busy na rin si Jess sa mga fashion shows niya kaya wala akong matanungan kung ano na ang nangyayari. Lagi na rin siyang lumilipad pa-ibang bansa.

Pero wala na rin talaga akong time para alalahanin pa 'yon. Pero inaamin kong kahit papaano may pakialam ako. Iniisip ng mga tao na si Jayden ang boyfriend ko. Hindi ko gusto 'yon.

"Yes, Lolo. Na-close na ang deal," sabi ko sa kabilang linya.

"Good. Nasabi na ba sayo ni Dana ang bago mong schedule for the whole month?" pagtukoy niya sa isa sa mga secretary ko.

"Hindi pa po. I'll check it now."

"Well, gusto ko lang sabihin na kasama roon ang pagpunta mo sa China para sa isang gathering. Mga importanteng tao ang dadalo roon at ang iba ay mga dati ko pang kaibigan. You need to be there to represent my name."

"Yes, Lolo. I know."

Sa sobrang dami kong ginawa ay hindi ko namalayan ang mga araw na dumaan. Once a month nalang din kami kung magkita ni Harry. Minsan hindi pa nga kami nagkikita. Nagkikita kami sa condo niya at kung hindi man sa condo niya, sa abroad kung pareho kaming naroon.

Dumarami na rin kasi ang mga fans niya sa ibang bansa at papunta punta na rin siya abroad para sa isang mini concert or meet and greet for the fans.

Minsan nagkakapareho kami ng bansa na pinupuntahan kaya kapag gano'n, nagkikita kami saglit. Usap lang o kaya man date sa labas. Malaya kami dahil wala kami sa Pilipinas.

Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili ko na umuwi sa bahay dahil sa isang tawag ni Mommy. Nasa New York ako ng tumawag siya at kahit sobrang busy, umuwi ako kahit ayaw ko dahil para sa akin, hindi naman importante ang binalita niya.

Nahanap na si Monica. Si Monica ay anak ng kaibigan ni Mommy na namatay na. Pina ampon sa amin bago mamatay.

I thought Monica was already dead. Ang tagal niyang hindi nagpakita at hindi na talaga namin siya nahanap magmula ng lumubog ang barkong sinakyan niya papuntang England.

So now that my Mom told me she's alive, I'm shocked. Matagal naming inakala na patay na siya.

But then, ang galit ko para sa kanya noon ay hindi pa rin nawawala hanggang ngayon. At mas lalo lang nadagdagan ngayon dahil sa ginawa niya sa Ate ko.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now