KABANATA 33

257 10 0
                                    

Kabanata 33

Talk

--

"Cheers!" sabay sabay naming pinagbungguan ang mga baso namin pagkatapos sumigaw.

Bottom's up! Nilapag ko sa lamesa ang baso ko nang maitungga 'yon lahat!

I looked around while my friends are talking and giggling about something. Hindi ko magawang makinig sa pinag uusapan nila dahil may hinahanap ako.

"They're here," biglang bulong ng katabi kong si Jess.

"Who?"

"Hero."

I sighed and just continued looking around.

"Hindi ka na ba talaga interesado kay Jayden? Gosh, he's so gwapo and manly na ngayon! But, well... hindi rin naman kita masisisi. Harry is sexy as hell. Looking like an angel but burning like fire because of his hotness!"

Oh, well... she's kinda... right.

"Looking for him?"

Jess grinned at me when she noticed that my eyes had been wandering.

"For sure he's here."

"Uh-huh. I haven't seen him for a month, you know. Hindi ako nakapunta sa mall show niya sa Makati nung isang linggo."

She chuckled. "Loreleil Agravange is really so crazy over... hmm..."

"Hindi, noh!" apila ko.

"Tss. Oo. Mukha namang hindi..."

Umirap ako. Nagpatuloy ako sa paghahanap. Pinanood ko ang mga tao sa gitna na sumasayaw. Jessica's already busy talking with her friends beside her.

Kumuha ako ng isa pang shot at tutunggain na sana 'yon when I saw the tall man walking through the crowd. Natigil ako sa pag inom.

Harry's wearing a black t-shirt, faded jeans and brown boots while he's walking towards his friends on the table just in front of us! Medyo malayo at natatakpan ng mga sumasayaw pero kita pa rin!

Napatuwid ako sa pagkakaupo at binaba ang shot ko. Nakita ko siyang binati ng mga nasa table na pinuntahan niya at umupo siya roon. He smiled and talked to them. My heart almost dropped when I saw his smile!

Shit, he's so freaking handsome!

"Let's dance!" si Johanna na lasing na.

Halos wala na akong pakialam sa kanya. Humalo siya sa mga taong sumasayaw at nawala na siya sa paningin naming lahat. May bodyguards naman panigurado 'tong mga 'to kaya hahayaan ko na ang babaeng 'yon.

I bit my lower lip as I watched Harry chatting with his celebrity friends.

Isang buwan ko lang siyang hindi nakita, mas lalo agad siyang gumwapo. O para sa akin lang 'yon? Tama nga ba ang sinabi ni Jess? Masyado na ba talaga akong baliw sa lalaking 'to?

Nakapang lalaking dekwatro siya nang uminom siya ng isang shot. Mas lalo kong kinagat ang labi ko habang tinititigan siya.

Am I really okay with just this? No. I want to talk to him pero wala naman akong lakas ng loob!

At ano namang sasabihin ko?

Hi, Harry! Long time no see!

Nababaliw na yata ako!

"Lorie, come on, let's dance again!" tumayo si Olivia.

Huminga ako ng malalim at tinungga muna ang apat na shots bago sumunod sa kanya. Napapikit ako sa sunod sunod kong pag inom!

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora