KABANATA 16

218 10 0
                                    

Kabanata 16

Promise

--

"Shit! What's wrong with this?" pinindot pindot ni Jessica ang cellphone niyang nagloloko kanina pa.

"Tapon mo na sa ilog," sabi ko kaya tinignan niya ako ng masama.

Pauwi na kami. Naglalakad sa kalakhan ng field. Hindi ko alam kung anong kinaiinisan ko. Basta kanina pa ako badtrip.

I crossed my arms when I saw the Hero walking in front of us. Magkakasalubong kami. Tumatawa si Ford na siyang nauuna habang naka akbay sa vocalist nilang lalaki na ang sabi ni Jess ay Raymond ang pangalan.

Sa likod ay naglalakad ang tatlo pang member. Si Harry, ang isang hindi ko kilala, at si Jayden. Nasa gitna ang lalaking hindi ko alam ang pangalan. Si Harry ang nasa kanan na siyang masasalubong at makakatabi ko, while Jayden is on the left, far away from me.

I saw how Harry's eyes darted at me. Pero ang mga mata ko ay nabaling kay Jayden na nakatingin na rin sa akin ngayon. He's serious. Naalala ko ang nangyari kanina.

I took my eyes off of him because my heart is beating so fast again. I don't like it!

I then accidentally looked at Harry dahil sa pag iiwas ko ng tingin. He immediately looked away from me.

Nilalagay ko ang dalawang libro sa loob ng locker ko. Maayos ang loob no'n, hindi ko hinahayaang magulo. I don't like messy things.

"Hi," sumandal bigla si Jayden nang patagilid sa tabi ng locker ko.

Napatingin ako sa kanya. Ramdam ko agad ang reaksyon ng puso ko nang nakita ko ang mapaglaro niyang mga mata. What the hell is he doing here again?

"Can I have your number?" he asked.

Shit!

"No," I said and smiled sarcastically at him.

Sinarado ko ang locker ko, halos padabog, bago siya tinalikuran at iniwan doon. I heard him chuckle.

Damn him! Ang daming tao roon! Paano kung may nakarinig ng sinabi niya?

Tahimik akong kumakain ng lunch habang kasama si Jessica na madaldal at kung ano ano ang sinasabi. Iniisip ko pa ang paghingi ni Jayden ng number ko kanina nang mapatingin ako sa table ng Hero. Jayden was looking at me.

Sandali pang nabitin ang pagsubo ko sa pagkain ko nang nakitang titig na titig siya. He then winked at me. Halos maubo ako sa kinakain kaya agad kong inabot ang tubig ko.

Freaking bastard!

I saw Jayden laughing at my reaction. Uminit ang pisngi ko. Hinampas siya ni Ford at weird na tumingin sa kanya dahil siguro sa pagtawa niya roon mag isa.

Ang sarap niyang murahin!

I saw Harry looking at me. Nasa tabi siya ni Jayden. Pinapagitnaan nila ni Ford si Jayden. Nanatili ang mga mata ko sa kanya ng ilang sandali for some reason. But then again, nang nakita niyang nakatingin ako ay nag iwas ulit siya ng tingin at nagpatuloy sa kanyang pagkain.

Malalim akong bumuntong hininga habang pinagmamasdan ko ang papel kong punong puno ng mga nakakalitong calculation. Sumasakit na ang ulo ko dahil kanina pa ako rito pero hindi ko 'yon ma-gets gets!

Si Ma'am Sungit din kasi ang subject teacher namin sa Math. Hindi ko maintindihan ang pagtuturo niya! Masyado siyang mabilis at mataray! Dinadaan lahat sa init ng ulo. Hindi ko alam kung may sama ba siya ng loob sa mundo o ano.

"Hey, what are you doing?" I heard Jayden's voice.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Umupo agad siya sa kaharap kong upuan dito sa isa sa mga sementong table ng field. Iyon na naman ang reaksyon ng puso kong hindi ko gusto!

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now