KABANATA 31

176 10 2
                                    

Kabanata 31

Know

--

I found out about Harry when Jess called me. Syempre, dahil dakilang chismosa siya pagdating sa Hero, she immediately told me about Harry when he came out in public. Nagsisimula palang siya no'n at kaunti palang ang fans.

"That's Harry! Kaya pala nawala siya sa Agusan bigla. He pursued music!"

I was stunned by the picture on his phone. It's Harry. He's sitting on a chair, holding his guitar and looking straight at the camera without any emotion. Puti lang ang background niya.

He's wearing a black t-shirt full of design on it and ripped jeans. Magulo ang buhok na para bang rock star.

"This is his picture for his first full album. Grabe! Mas lalo siyang gumwapo!"

Iniwas ko ang tingin ko roon. I'm too busy working in the company to know what's going on outside. At isa pa, hindi rin naman talaga ako interesado sa mga celebrities, singers, actors or whatever.

Kaya rin hindi ko agad nalaman na singer na pala siya. Kung hindi sinabi ni Jess sa akin 'to, baka matagal pa bago ko malaman na nandito lang pala siya sa Manila. Halos kasabay niya lang ang Zheill sa pag debut.

"Why that face? Noon gulat na gulat ka dahil biglang umalis si Harry, ngayon naman parang wala kang pakialam?" si Jess.

Umirap ako at tumayo mula sa swivel chair ko. I arranged the papers on my table and looked at Jess who raised an eyebrow at me and had a playful smirk on her lips.

"I was just so shocked that day. Hindi ko akalaing matatanggal ni Jayden si Harry sa grupo nila e 'diba mag kaibigan sila?" palusot ko.

"Sa pagkakatanda ko, mas nagulat ka sa sinabi ko na umalis na siya kesa sa tinanggal siya ni Jayden sa Hero. Bakit ka gulat na gulat no'n?"

Umirap ulit ako at hindi na nagsalita.

"Wala kang sinasabi sa akin all these years. May pakiramdam na ako pero malabo, e. 'Diba si Jayden ang nanliligaw sayo noon? Paanong... nasali si Harry sa picture?"

I sighed. I didn't want to go back to that, but I still told her everything that happened. She was so shocked and I expected that. Ang dami dami niyang sinabi na kesyo wala manlang daw akong sinabi sa kanya noon. I just grinned because at least now she knows.

I'm always busy with my work pero nagagawan ko pa rin ng paraan makasingit para lang mapanood ang mga bago niyang labas na music videos. I also always listen to his songs. He's a solo artist but he's very good on his own.

His voice is music to my ears kaya even if I'm in a meeting, I have airpods sa kanang tenga ko just to listen to him and be in a good mood at work. Madalas kasi akong naiirita agad pero ngayon, lagi na akong nasa good mood.

I subscribed to his youtube channel where he posts all of his music videos and performance videos. All his albums are also displayed in my condo. Like literally, lahat ng albums niya.

Bawat bagong album ay nag o-order agad ako dahil naso-sold out agad. Naiinis ako kapag nauubusan.

Sa dalawang taon niya sa musika ay malayo na agad ang narating niya. He became famous immediately not only because of his very handsome face, appeal, sexiness, or charms. He also became famous dahil maganda ang boses niya, maganda ang kanta, at ang iba ay siya pa ang sumulat.

"Harry! Harry! Harry!" sunod sunod na sigaw ng mga tao.

Tumitig ako sa stage kung nasaan siya. He was sitting on a chair and holding his guitar. There's a stand mic in front of him. The spotlight was focused on him habang madilim naman sa paligid.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now