KABANATA 22

221 13 2
                                    

Kabanata 22

Dog

--

Naging maayos naman ang pakiramdam ko pagkatapos ng isa pang araw. Mabuti nalang talaga Biyernes ako nagkasakit dahil kinabukasan ay Sabado, walang pasok. Ayoko ngang mag absent.

I am really very thankful with Harry.
Without him I don't know what I would do. I don't know anything about these things. I can't take care of myself. Tuwing nagkakasakit ako noon, si Mommy o si Manang lang ang nag aalaga sa akin. I don't even know what medicine to buy. May tindahan sa malapit pero hindi ko rin naman kakayaning tumayo. Baka hanggang ngayon may sakit pa rin ako kung hindi dahil kay Harry.

"Why are you not answering my texts? At bakit ngayon ka lang din sumagot sa tawag ko? Sam, are you mad at me?" si Jayden sa kabilang linya.

Linggo ngayon at magaling na ako. Kahapon ay medyo hindi pa maganda ang pakiramdam ko pero tuluyan na akong pinagpawisan at gumaling. Thanks again to Harry dahil dinalhan niya ulit ako ng soup at mga gamot. Hindi niya na kailangang gawin 'yon pero hindi ako gagaling kung magmamatigas pa ako.

"I'm sorry. Na-lowbat ang phone ko. At... hindi ako galit sayo," I said while sitting on my sofa and drinking hot coffee.

Umaga ngayon at umuulan pa rin. My tv is on pero mahina lang ang volume. Mas gusto kong pakinggan ang pagbuhos ng ulan sa labas. I can see it from my window here in the living room.

"Na-lowbat? Isang araw na-lowbat ang phone mo? Sam, I was worried! Alam kong sinadya mo lang na hindi sagutin ang mga tawag ko!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Napa ahon ako mula sa pagkakasandal ko sa sofa.

"Sinadya? I told you lowbat nga ako. At hindi ako nakapag charge dahil nagkasakit ako, Jayden. I was sick kaya hindi ko na naisip ang phone ko," I didn't plan to tell him what happened to me pero dahil sa sinabi niya ay napilitan akong sabihin.

"W-What? Nagkasakit ka?" bumaba ang boses niya at parang natigilan.

"Oo, Jayden. Anong sinasabi mong sinadya kong hindi ka sagutin?"

"I-I'm sorry. I thought you're mad at me..." ngayon mahinahon na siya.

"Mad at you? I told you it's okay. Naiintindihan ko na kailangan niyong magpanggap ni Angel at kailangan mong sundin ang Papa mo."

He sighed heavily. "I'm sorry."

"Hindi muna tayo lalabas. It's still raining heavily. Baka wala ring pasok bukas," malamig kong sinabi.

"I'm really sorry, Sam. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. I was just..." I heard him sigh. "I was just worried about you..."

"I understand. I'm sorry rin kung pinag alala kita."

"No. It's not your fault. Nagkasakit ka. Are you okay now?"

"Yup. I'm fine now."

"Glad to hear that..."

We continued talking until we said goodbye to each other. Binaba ko ang tawag. Totoong na-lowbat ang phone ko kahapon. Na-charge ko lang noong nakabalik na ako rito sa bahay. Nakakahiya naman kasing mang hiram pa ako ng charger kay Harry, sobra sobrang abala na ang binigay ko sa kanya.

Dala ang maliit na bowl ay kumatok ako sa pintuan ng bahay ni Harry. Sinarado ko ang payong ko at pinagpag 'yon. Ibabalik ko 'tong mangkok niya. Hindi naman nagtagal ay bumukas din ang pintuan at lumabas si Harry.

He's wearing a black t-shirt and panjama. Nagkatinginan kami. I showed him the bowl.

"Isasauli ko lang 'tong bowl mo. Thank you ulit sa soup," sabi ko.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now