KABANATA 37

275 14 2
                                    

Kabanata 37

Team

--

I don't care. Kung nandito siya, I don't care. Nandito ako para uminom. Hindi para sa kanya. And besides, wala naman siyang pakialam. Ayaw niya na akong kausapin. So what now if he's here, right? Wala naman siyang pakialam.

Tinungga ko ang pang siyam na shot ko. Nakangiti na ako at ready nang sumayaw sa gitna. Inalalayan ako ni Jess.

"Kaya mo pa ba?" tumatawa siya pero alam kong nag aalala siya ngayong lasing na lasing na ako.

"I want to dance. Let's dance!" ngiti ko. Ako na ngayon ang nagyayaya sa kanya.

Sumama naman siya sa akin pero hindi umalis sa tabi ko. Nakisayaw ako sa mga sumasayaw doon. Nawalan na ako ng pakialam sa lahat. I just want to have fun. I want to forget even for a moment!

"Lorie? Lorie!" I heard Jess calling me pero palayo na 'yon nang palayo.

Mukhang nawala niya ako. Pero hindi ko na magawang magkaroon pa ng pakialam. Basta sumayaw lang ako roon at ngumiti. Nagawa ko pang makipag batian sa ibang kakilala na bumati sa akin kahit medyo nahihilo na.

"Whooo!" sigaw ko nang may magpa ulan ng tubig.

Tumingala ako at sinalo ang lahat ng 'yon but immediately stopped when someone pulled my hand. Nahilo ako bigla sa biglaang paghila sa akin kaya kumunot ang noo ko at napapikit ng mariin. What the hell?

"I'm sorry. Are you okay?" the man held my shoulders.

Dinilat ko ang mga mata ko pero hindi na ako makakita ng maayos. Pero nakilala ko agad ang boses na 'yon kaya sinubukan ko siyang itulak pero masyado na akong nanghihina para maitulak pa siya ng malakas!

"Let go!" I said.

"You're drunk--"

"Yes, I'm drunk! Ano? Dadalhin mo na naman ako sa bahay mo? Hindi na ako sasama sayo!" tinulak ko ulit siya.

"Lorie..."

"Let me go!"

"Lasing ka na. Bumalik muna tayo sa table niyo."

"Ano ngayon kung lasing na ako? Ano bang pakialam mo!?"

Wala ka namang pakialam sa akin!

Pero dahil sa maraming tao at sa sobrang pagkahilo ko dahil sa kanila, nahila ako ni Harry paalis doon. Iritado ako pero hindi ko na magawang maglakad pa ng maayos. Kung hindi niya lang ako inaalalayan ay baka kanina pa ako nadapa rito!

Dinala niya ako sa table namin nina Jess kanina. Nakita ko ang mga kasama ni Jessica roon na nagulat nang nakitang kasama ko si Harry. Harry took my bag at hindi na ako nakapag reklamo dahil maraming mga mata ang nanonood sa amin. Our friends still look shocked.

"Si Jess..." halos hindi na ako makapag salita sa kalasingan.

Hinila na niya ako paalis. Sa dami ng tao ay halos umikot ang mga mata ko. Mabuti nalang naka alalay si Harry at nakalabas kami ng hindi ako tumutumba.

Nagpumiglas ako sa inis. "Si Jess!"

"Yes. I'll call her and tell her you're with me..." he said that as if calming me down.

Marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya. Nilingon niya agad ako. Lasing pa rin ako pero unti unti nang bumabalik sa ulirat ang utak ko. I looked at him sharply.

"Mag isa akong uuwi," sabi ko at binawi sa kanya ang bag ko.

Dahil marahas ko 'yong binawi ay nawala sa hawak niya 'yon.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن