KABANATA 11

163 7 0
                                    

Kabanata 11

Hurts

--

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ni hindi manlang ako nakapag thank you kay Jayden pero hindi ko rin naman yata magagawa 'yon kahit nasa katinuan ako!

Oo, wala ako sa katinuan ko ngayon!

Malakas na tumili si Jessica pagkalabas namin sa canteen. Kunot ang noo ko habang dere deretso sa paglalakad.

"Sam! Si Jayden 'yon! It's freaking Jayden Cañete! Oh my gosh!"

"Binuksan niya lang ang softdrinks ko," sabi ko.

"Bakit niya binuksan?! Tapos 'yong sa akin hindi?!" tumili siya. "May nangyari bang hindi ko alam? Ano? Sam! Sabihin mo! Magkakilala na kayo, noh?!"

"Tss. Paano mo naman--"

"Huwag kang magsinungaling! Kilala ng lahat si Jayden! Hindi 'yon basta basta namamansin ng kung sino lang!"

"Maganda kasi ako kaya gano'n."

"Sus! Showbiz ka! Sige, sasabihin ko sa lahat kung ano talaga pangalan mo!" banta niya.

"Jess!" napatingin agad ako sa paligid.

"Kidding!" humalakhak siya. "Huwag kang mag alala wala naman masyadong tao rito. Pero sabihin mo na kasi! Anong meron? Bakit binuksan niya bottle mo? Ano? Sam! Magkwento ka na dali!"

I groaned. "Fine!"

Wala rin akong choice. Hindi naman na dapat 'to kinukwento sa isang kaibigan dahil wala namang kwenta, dahilan din kung bakit 'di ko na sinabi sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Pero dahil makulit siya at alam kong hinding hindi niya ako titigilan dito, sasabihin ko nalang, 'diba!?

"Shocks! Wala ka manlang nakwento sa akin!" tunog nagtatampo pa ang boses ni Jessica.

Nandito kami sa field para walang maka alam ng mga pinag uusapan namin. Lalo na't maingay siya.

"Tss. Importante pa ba 'yon? Wala namang magandang nangyari sa lahat ng pagkikita namin kaya bakit ko pa ikukwento?"

"Kahit na! It's Jayden Cañete! Hindi mo ba talaga alam kung gaano kasikat at kagwapo ang lalaking 'yon?!"

"W-Wala akong pakialam sa kanya! Pwede ba?"

"Sus! Yieee! Binuksan 'yong bottle niya kanina kasi nakita kang nahihirapan. Yiee!" sinundot sundot niya pa ang tagiliran ko!

"Tumigil ka nga, Jess! Walang kung ano sa amin, okay? Hindi ko gusto 'yon! Sa dinami rami ng ginawa niyang kasalanan sa akin, tingin mo magugustuhan ko pa ang lalaking 'yon?"

"Sure ka ba dyan? Ang gwapo kaya ni Jayden. Lahat ng babaeng nakikita mo rito sa school, may crush sa kanya!"

"Hindi ko siya gusto," ulit ko.

Nanunukso niya pa rin akong tinignan. "Hindi niya binuksan 'yong sa akin. Ang daya. Ba't sayo lang?"

"Ask him," sarkastiko kong sagot.

"Kasi gusto ka! May gusto 'yon sayo!" parang sigurado agad siya!

"Shh! Cut it, Jess! Wala siyang gusto sa akin. At may girlfriend siya, 'diba? Si Angel?"

Umirap siya. "Hindi naman maganda ugali ng babaeng 'yon. Baka makipag break din siya do'n kalaunan."

What? How can she say that?

"Bakit? Ilang buwan na ba sila?"

Tinignan niya ulit ako gamit ang nanunuksong mga mata dahil sa tanong ko. Umirap ako at bumuntong hininga.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon