KABANATA 39

246 18 2
                                    

Kabanata 39

Missed

--

Mabuti nalang hindi na masyadong nakikialam ang mga pinsan ko sa buhay ng isa't isa kaya si Jessica nalang ang tinitiis ko ngayon.

"Taray! Team Harry, Team Jayden!" humalakhak siya. "Ako, tingin mo saang team ako?"

Umirap ako at nangiti. Nag iingay siya rito sa opisina ko umagang umaga. She sat on my long sofa, wearing a revealing and a very short white floral dress. Her hair is in a high ponytail again. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras kaya ngayon lang nakapunta, at para maki chismis pa.

Kahapon lumabas ang lahat lahat and Harry kept his words. He did not deny the rumors about us. Hinihintay niyang ako ang unang mag deny.

I won't deny it, though. At sinabi ko na 'yon sa kanya.

"What is really happening, girl? You disappeared last night at na kay Harry ka nalang bigla? He texted me!"

Ngumuso ako. He knows I'm worried Jess would be worried kaya tinext niya ang kaibigan ko.

"Tapos nangyayari lahat ng 'to? Gosh! All of you are eating up social media!"

I looked weirdly at Jess when I realized something. "Saan mo naman nakuha number niya? At bakit may number ka sa kanya?"

She raised an eyebrow at me and chuckled. "Come on, man. Are you jealous with me?"

Umirap ulit ako at binalik nalang ang tingin sa laptop ko. Tumikhim siya.

"Baka nakuha niya number ko sa isa sa mga members ng Hero..." she suddenly looked away after saying that and cleared her throat again.

Tumaas ang isang kilay ko at tumingin ulit sa kanya.

"One of the members of Hero?" nanliit ang mga mata ko.

Hindi siya sumagot. Ako naman ngayon ang natawa at nagtaas ng kilay.

"One of the members of Hero, huh? Ford?"

Naalala kong crush na crush niya si Ford noon kaya siya agad ang naisip ko.

"Hmm, maybe..."

Umirap ako sa mga simple niyang sagot. "Just spill the tea, Jess. Malalaman ko rin naman 'yan, e."

"I don't have anything to spill, Lorie."

I looked at her ridiculously. Alam niyang kilalang kilala ko na siya kaya hindi na magwo-work sa akin ang mga sinasabi niya.

Umirap siya. "Fine," she looked away again. "Maybe he got my number from Ford but..."

"But?" nagtaas ako ng kilay, waiting for the chismis.

She sighed frustratingly. "You know I changed my number last month, right? And only one member of Hero knows it."

Kumunot ang noo ko at inisip ang obvious. "Ford, right?"

"No. Raymond..."

Namilog ang mga mata ko. Raymond? Raymond is the vocalist of Hero, right? Bakit naman si Raymond ang may alam ng bagong number niya?

My eyes widened even more when I realized something. Don't tell me... Oh my gosh!

"I need the whole story!" sabi ko at halos tumayo sa lamesa ko sa sobrang gulat sa information na nakalap!

She groaned. "I'll tell you some other time, alright?"

"Anong some other time? Ngayon na! Mamaya lumipad ka na naman pa-ibang bansa, makatakas ka pa. Sabihin mo na ngayon!" pilit ko.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now