KABANATA 38

272 13 0
                                    

Kabanata 38

Prove

--

Trending na naman ako.

Bawat scroll ko sa instagram at facebook ko, pangalan ko lagi ang nakikita ko. Kung hindi man pangalan ko, pangalan naman ni Jayden at Harry!

Nabuhol na ang pangalan ko sa kanilang dalawa. At mas lalo lang tumindi ngayon dahil may nalalaman pa silang team team. What the heck, right?

Nanatili akong nakaupo sa kama ni Harry at hindi pa rin makapaniwala na nangyayari lahat 'to. Ginawa ko ang lahat para iwasan ang kasikatan. Ang spotlight. Ang lahat. But look what's happening now! So funny.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto at napalingon agad ako. I saw Harry. Bagong ligo dahil basa pa ang buhok. He's wearing a red t-shirt and white shorts. Nagkatitigan kami sandali bago bumaba ang mga mata niya sa cellphone ko. Parang alam niya agad kung ano ang nakita ko roon.

"Don't worry, I will deny the issue..." he said immediately and looked away.

What? Napakurap kurap ako. But, why?

"Or you can deny it if you want to. I will deny it after you."

Napakurap kurap ulit ako. Wala naman akong sinabing...

"Ayaw ng agency mo?" tanong ko.

Ang alam ko, pwede naman siyang mag girlfriend. Marami na ngang na-link sa kanya na mga babae. Yun nga lang, dinedeny niya agad.

Tinitigan ako ni Harry. Tumikhim ako at uminit ang pisngi nang natanto na tunog parang ayaw ko namang mawala ang issue na 'to!

Hello? Lorie, 'diba ayaw mo sa mga ganitong klase ng issue? Ayaw mo sa spotlight, 'diba? Anong nangyayari?

Ngumuso ako. Syempre... si Harry naman 'yon...

Pumikit ako sa naisip. Nababaliw na yata talaga ako!

"I won't deny it," sabi ko at dumilat.

Harry was about to go to his walk in closet when he heard what I said. Lumunok ako at bumundol ang kaba sa dibdib nang nagkatinginan kaming dalawa.

"I-I'll let the issue go with the flow..." sabay bagsak ng tingin sa pagkain.

Hindi ko nakita kung ano ang naging reaksyon niya, but I'm sure he's confused. Huminga ako ng malalim bago nilapag sa kama ang pagkain at tumayo. I looked at him.

Tama nga ang hinala kong nagtataka siya, sa itsura niya palang. Masyadong random ang pagkakasabi ko no'n kaya hindi niya naitago ang reaksyon.

Even when feeling so nervous, matapang akong lumapit sa kanya. His eyes immediately dropped on my feet, watching it walk closer to him while clenching his jaw. I slowly stopped and his eyes met mine. My heart almost melted at the sight of him looking so confused but trying his best to hide it.

"We're dating, anyway..." ngumisi ako.

Kumunot ang noo niya. "What are you saying?"

"Ikaw lang naman ang nag assume na kami na ni Jayden. The rumors about us were just rumors. Hindi totoo. Nagkita lang kami nung araw na 'yon para mag usap. Para magkaroon ng closure. That doesn't mean anything else. And after that day, wala na. Tapos na kami."

Hindi siya nakapag salita. Bahagya pa akong lumapit sa kanya and he immediately looked at my feet again. I stopped just three steps away from him. Tinignan niya ako. I can see the hope in his eyes but I can also feel his hesitation.

I then realized that... he's doubtful. Like he wants to believe me but there's a part of him that couldn't trust every word my mouth would say. Hindi ko alam kung tama ako pero... iyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now