KABANATA 7

163 8 2
                                    

Kabanata 7

Girlfriend

--

"Ikaw na naman? When are you going to look where you're going?" I asked irritably.

"Tss. You're the one who's not looking where you're going."

"What?"

"You're looking at your phone, paano mo ako makikita?"

"At ikaw? Hindi mo nakita na nasa harapan mo ako? Nananadya ka rin, e, noh?"

Jayden chuckled and he looked at me ridiculously. "Nagpapapansin ka ba sa akin?"

"What?" halos malukot ang mukha ko sa iritasyon sa tanong niya.

Nagpapapansin? Ako?

"Ever since the school started palagi ka nalang sumusulpot sa harapan ko. Tapos ano? Gagawa ng away? Kunwari galit para ano? Para mapansin ko?"

What the hell? Anong pinagsasasabi ng lalaking 'to?

Natawa ako. "Anong ako? Baka ikaw? You're the one who's always appearing in front of me since I transferred here. Palagi mo nalang akong ginugulo!"

Tumawa ulit siya. Mas lalo akong nairita.

"At anong nagpapapansin? Wow, ah? Sino bang nakatama ng shuttlecock sa ulo ko nung araw na 'yon? 'Diba ikaw? Ikaw ang nagsimula no'n! Tapos nagsunod sunod na! Baka ikaw ang nagpapapansin dyan!?"

"Look, Miss. I don't have time for this. Stop that 'cause I already have a girlfriend."

Umawang ang bibig ko sa pagkamangha sa sinabi niya. Is he seriously thinking that I like him!?

Sa sobrang pagkamangha at iritasyon ay wala na akong nasabi. He smirked at my reaction and was about to turned around and leave. Bago siya maka alis ay napatingin siya sa payong na gamit ko. Kahit nanatiling seryoso ang mukha niya ay alam kong natigilan siya. Sandaling nanatili ang mga mata niya roon.

Tumingin si Jayden sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Alam ko na agad ang iniisip niya.

"Kanino payong 'yan?" he asked.

Nakilala niya? Gano'n ba sila ka-close ni Harry na pati payong kilala niya?

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit mo tinatanong?"

"Kanino payong 'yan?" he repeated in a more serious tone. His face is also serious now.

Kumunot ang noo ko. "Malamang sa akin! Kanino pa ba?"

"Helena ba ang pangalan mo? I thought your name is Samantha?"

Natigilan ako. Napatingin ako sa kulay asul na payong at nakita roon ang nakasulat na pangalan gamit ang pentelpen.

Helena.

Helena? Bakit may Helena rito? I didn't notice it the past few days! Ilang beses ko na 'tong ginagamit pero... ngayon ko lang nakita 'yon!

The hell? How come I didn't see this!?

"That's Harry's," Jayden said seriously, para bang sigurado siya agad.

Medyo kinabahan ako. But other than that, who's Helena? Akala ko ba kay Harry 'to? Sa girlfriend niya pa yata 'tong pinahiram niya sa akin, e.

"Bakit na sayo ang payong ni Harry?" hinarap na ulit ako ni Jayden.

The rain is fading a bit. Nagiging ambon nalang 'yon.

"None of your business," I said coldly and turned my back on him to leave.

Damn it! Mabilis akong naglakad palayo habang paulit ulit na sinusulyapan ang payong. I didn't know this is Harry's girlfriend's umbrella!? Bakit niya pinahiram sa akin? My gosh, I don't want a cat fight, duh! Cat fight isn't my fucking thing!

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now