KABANATA 21

156 8 3
                                    

Kabanata 21

Thank You

--

Inayos ko ang mga gamit ko at nagmamadali nang umalis sa shop. Sinuot ko nang mabuti sa katawan ko ang jacket at lumabas na. Sinalubong agad ako ng malakas na hangin dahilan para mabasa ako ng ulan!

"Shit..." sabi ko at bumalik ang lamig sa aking katawan.

Binuksan ko ang payong ko. Kung susugod ako ngayon, siguradong mababasa ang sapatos ko, ang binti ko at ang palda ko. Mas lalo akong lalamigin pero wala akong panahon para mag inarte ngayon.

I was about to walk away when a tricycle stopped in front of me. I stopped and looked at the driver.

"Miss, sakay daw po kayo?"

What?

"Sino pong may sabi, Kuya?" tanong ko habang mahigpit na hinahawakan ang payong ko dahil malakas ang hangin.

"Iyon pong nasa sasakyan!" sabay turo niya sa isang kulay itim na van.

Napabuntong hininga ako nang nakitang sasakyan namin 'yon. Sasakyan ng mga bodyguards ko. Tumango ako sa driver at mabilis nang sumakay sa tricycle niya.

Nilalamig ako. Tumunog ang phone ko at nakitang si Daddy ang tumatawag. I sighed because I know why he's calling me right now.

"What the hell are you doing, Loreleil? Nasabi sa akin ng mga bodyguards na nagpapa ulan ka!" bungad niya.

"Hindi ako nagpapa ulan, Dad. Naabutan lang talaga ako ng malakas na ulan."

"Who are you waiting in that shop? Ang sabi may hinihintay ka raw pero ngayon hindi naman dumating?"

Freaking bodyguards. Lahat talaga sinumbong?

"Wala, Dad. Malakas lang ang ulan kaya hindi na nakarating 'yong kaibigan ko. Pauwi na ako, nasa tricycle na. Don't worry."

"Your Mom will be worried sick if she finds out about this."

"Then, don't tell her," ngumisi ako.

"Siguraduhin mong pauwi ka na. The bodyguards are watching over you."

"Tss. Why do I need bodyguards?"

"It's for your own safety! We're not there to take care of you, Lorie!"

"Fine. Fine. I'm alright, see? Nakakausap mo pa ako nang matino. Don't worry, Dad. Tsaka pauwi na talaga ako. Saan pa ba ako pupunta? Tss."

Binaba niya ang tawag pagkatapos ng ilan pang sermon. Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang gusto kong dagdagan ang sahod ng mga bodyguards na 'to!

Lamig na lamig ako nang bumaba sa tricycle. My hand was shaking when I paid the driver. Hindi na maganda ang pakiramdam ko but I was able to hold the umbrella kahit sobrang lakas na ng hangin at ulan.

Naglakad ako sa basang buhangin para makapunta sa bahay. Hindi ko na inisip na marurumihan ang sapatos ko dahil masama na talaga ang pakiramdam ko ngayon. Medyo nahihilo na rin ako.

Damn it! What the hell is wrong with me? Masyado ba akong nalamigan?

Shit. Nahihilo ako. Tinignan ko ang bahay ko na sobrang lapit na. My lips are trembling.

Malapit na malapit na ako sa bahay nang bigla nalang umikot ang paningin ko. Nabitawan ko ang payong ko at nanghina ang aking mga tuhod. I know I'm going to fall. But I didn't. I didn't fall.

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata sa kabila ng sobrang panghihina. Ang tunog ng malakas na ulan ay malabo na sa pandinig ko. Gano'n na rin ang boses na tumatawag sa akin.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now