KABANATA 17

146 7 2
                                    

Kabanata 17

Stay

--

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako. Pinayagan kong manligaw si Jayden kahit na ayaw ko sa grupo niya. Kahit na ayaw ko sa kasikatan niya. Iyon ang pinaka iniiwasan ko kaya nga ako napunta sa lugar na 'to pero ngayon...

I didn't like him at first. Sobra siyang nakakainis! Napaka feelingero at napaka yabang! I didn't really like him then. And now I don't know what happened. The world suddenly turned upside down. Gusto ko siyang iwasan pero... alam ko sa sarili ko na gusto ko na talaga siya.

Oo na! Hindi naman ito ang first time na nagka-crush ako kaya sige na! Aamin na ako! There's no point in denying it anyway! Tss.

Nanligaw nga si Jayden sa akin. Minsan lang kami magkita sa school dahil una sa lahat, iniiwasan ko siya. Oo, iniiwasan ko siya. Hindi lang dahil ayokong kumalat 'to, kundi dahil gusto ko talaga siyang iwasan!

Kapag nakikita ko siya sa may locker room, mabilis akong umaalis. Kapag nakikita ko sila sa field ng mga kaibigan niya, mabilis din akong umaalis at hindi ko siya hinahayaang makita ako. He can't go to my classroom at hindi rin niya rin ako malapitan sa canteen dahil sa sinabi ko sa kanya na gusto ko munang ilihim ang tungkol sa aming dalawa. Alam niyang magagalit ako sa oras na lumapit siya habang marami ang estudyante sa paligid.

At sa tuwing nagkikita naman kami ay inaalok niya ako na kumain sa labas. He also asked for my number so that we can text when we don't see each other. Pinagbigyan ko siya roon.

I always refuse his offers. I make excuses that I'm sure na papasa sa kanya. That's why until now, hindi niya pa rin napapansin na iniiwasan ko siya. Akala niya lang ay ayaw kong makita kami ng ibang tao na magkasama kaya mailap ako.

Hindi ko alam kung alam na ba ng mga ka-grupo niya ang tungkol sa aming dalawa but I often notice Harry's gaze on me. I noticed that he was the one who's closer to Jayden so I thought maybe he already knew. But I'm not sure yet. Madalas naman na kasi kasi siyang tumingin sa akin... noon pa man.

"Are you avoiding me?"

Nagulat ako nang tanungin ako ni Jayden nito isang araw nagkita kami sa rooftop. Akala ko hindi niya napapansin ang mga pag iiwas ko sa kanya!

Matalim niya akong tinitigan nang nakita ang gulat na reaksyon ko, na para bang nahuli niya ako. Kaming dalawa lang dito sa rooftop.

Napakurap kurap ako at nag iwas ng tingin kay Jayden.

"H-Hindi, ah. Bakit naman kita iiwasan?"

"Palagi kang tumatanggi sa mga yaya ko sayo. Just like now. You refuse to go out with me again. Hindi pa tayo nakakalabas simula nang niligawan kita. Samantha, it's been almost two weeks."

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n 'yon sa kaunting mga salita niya lang!

Tumikhim ako. "Sinabi ko na sayong busy nga ako, 'diba? Marami nang ginagawa ngayon kaya hindi talaga ako pwede lagi. Tsaka laging natatapat ang pagyayaya mo sa kung kailan marami akong gagawin."

"Can you tell me when you're free, then? Gusto kitang ilibot sa buong bayan. You're from Manila, you said. Gusto kong makita mo ang mga magagandang lugar dito sa Agusan."

Ngumuso ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung papayag ba ako. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya iniiwasan. Maybe it's because I'm still confused. Until now I still have doubts.

Two years sila ni Angel, imposibleng natapos nang gano'n ganon lang ang nararamdaman niya para sa kanya nang dahil lang sa akin.

"Tell me, Samantha. May problema ba?" seryosong tanong ni Jayden, siguro napansin na talagang may mali sa akin.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Where stories live. Discover now