Chapter 43 - Yakap

Start from the beginning
                                    

Wala na nga talaga akong pagpipilian. Gugulong na lang ako. At kapag nagising siya dahil sa kalabog. Anong sasabihin ko?

Bahala na nga lang. Sala ko na iisipin yan kapag nangyari na. Bumilang muna ako.

1.2.3.

 

Go.

 

Gulong.

 

BOGGGSSSSSHHHH.

Napangiwi na lang ako ng maramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Ang sakit ah. Mas masakit pala kapag sinadya mong mahulog sa kama. Kahit hindi pa ako masyadong nakakaget-over sa sakit ay bumangon na agad ako. Tiningnan ko si Nathaniel. Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko nang gumalaw siya.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng hindi na siya gumalaw ulit. Buti na lang talaga hindi siya nagising. Grabe. Daig ko pa yata ang nag marathon sa bilis ng kabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Ng maraming beses. Iyon talaga ang gusto ko gawin kanina pa. Feeling ko hindi na ako makahinga kanina.

Nang medyo nahimasmasan na ako ay naupo na ulit ako sa gilid ng kama niya. Lesson learned. Hindi dapat gawing unan ang dibdib niya dahil makakatulog ka.

Tumingin ako sa orasan sa bed side table. Nanlaki ang mga mata ko. Malapit ng mag four. Anak ng.... Higit isang oras pala akong nakatulog. So ibig sabihin isang oras na ring nakayakap sa akin ang ungas na yan? Napayakap ako bigla sa sarili ko. Bigla yata ako gininaw sa naisip ko.

Wala naman sigurong nangyari di ba? Wala naman siyang ginawa sa akin?

 

Tiningnan-tingnan ko pa sarili ko. Normal naman ako.

Praning lang talaga. Kung anu-anong naiisip ko. Iniisip ko talagang may gagawin sa akin ang ungas na yan. May sakit kaya yan, kaya wala yang panahong mag-isip ng kababalaghan. Baka nga ako pa ang magsamantala sa kanya eh. Ai anak ng.... Biro lang yun. Naalog yata utak ko kanina ng mahulog ako.

 

Nag-decide na lang akong lumabas. Baka kung ano pang maisipan kung gawin kapag nabore ako dito sa loob eh. Dinala ko na rin iyong basin na may lamang tubig. Papapalitan ko na. Lumamig na kasi siya dahil aircon eh. Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko ng makitang nakatayo pa rin iyong apat na katulong kanina sa labas ng pinto.

Hindi talaga sila umalis dito? Hindi kaya magkavaricose sa kakatayo tong mga to?

 

Nagmadali ang isa sa mga katulong para kunin ang basin sa akin.

"May kailangan po ba kayo Miss Diana?" tanong sa akin ng isa. Nakayuko lang silang lahat. Ganito ba talaga makipag-usap ang mga to? Hindi tumitingin sa kausap.

"May pagkain po ba?" Naisip ko kasi na baka hindi pa kumakain iyong si Nathaniel eh. At hindi pa rin siya umiinom ng gamot.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now