Thirty-First One

Beginne am Anfang
                                    

"Pwes, tigilan mo ang best friend ko." 


Tumingin sakin si Mitch. 


"Makikita mo sa graduation ball, Julie Anne. Tatalunin kita. Ako ang magiging Queen of the night." 


Umalis na siya. Napailing nalang ako. As if naman gusto kong maging queen of the night. Sakanya na. 


"Tara na nga besh. Ang aga aga kung managinip. Grabe! Wag na natin siyang pag aksayahan ng panahon. Ikaw pa din ang mananalo." 


"Besh talaga oh. Wala naman akong pakialam dun. Kung gusto niya sakanya na." 


Tumingin ng masama sakin si Carly. Ayaw kasi niyang magpatalo ako kah Mitch. Natalo na niya ako kay Kyle, ayaw ng maulit ni Carly yun. 


"Don't worry besh. May Elmo na ko. Panalo na ko sakanya. Natalo ko na si Mitch." 


"Ewan ko sayo. Basta hindi ako papayag na maging queen yang haliparot na babae na yan." 


Napailing nalang ako. Tumingin ako sa likod ni Carly. Napatingin naman si Carly sa tinitingnan ko. 


"Good afternoon po Ma'am Julie." 


"Kayo po pala." 


Lumapit ako. 


"Uhm, kayo po yung driver ni Elmo diba po?"  Tanong ni Carly.


Tumango naman siya. 


"Aalis po kasi kami ni Julie. Pupunta po kami sa mall." 


Ngumiti siya at biglang binuksan ang pinto ng kotse. 


"Utos po ni Sir Elmo na kailangan kong siguraduhin na makakarating at makakauwi ng mabuti at maayos si Ma'am Julie. Kung san po kayo pupunta, kailangan po kasama ako. Hindi ko po pwedeng suwayin ang utos ni Sir." 


"Nakakahiya naman po. Hindi ko naman po kayo driver. Tsaka wala naman po si Elmo." 


"Tulad po ng sinabi ko, hindi ko po pwedeng suwayin si Sir Elmo. So kung sa mall po ang punta natin, sabihin niyo po at ihahatid ko na po kayo." 


Tumingin sakin si Julie. 


"Besh, wag ka ng maarte dyan. Sabi nga niya, utos ni Elmo. Kapag hindi ka pumayag baka siya pa ang pagalitan ni Elmo. Ayaw mo naman yun diba? So tara." 


Hinila ako papasok sa kotse ni Carly. Wala na kong magagawa kung ganito ba nman ang kasama mo tapos utos pa ni Elmo. Wala talaga akong laban. Nasa loob na kami at papunta na sa mall. 


"Hmm. Ano kayang magandang isuot noh? May naisip ka na ba kung sino ka sa greek goddesses?" 

Love at First SightWo Geschichten leben. Entdecke jetzt