"Ano ba! Bitawan mo ako! Saan ba tayo pupunta!?" napipikong tanong ko at pilit inaalis ang kamay n'ya sa'kin

"Samahan mo ko sa C.R" aniya na ikinagulat ko

"At bakit ko naman gagawin yun?" tanong ko sa kan'ya

"Dahil kailangan mo" aniya

Wala na akong nagawa kundi sumama na lang sa kan'ya. Pumasok kami sa comfort room ng gymnasium.

"Titania" bati sa'kin ng mga ka teammates ni Vierquinn tinanguan ko lang ang mga ito

"Nice game Riley"

"Ang galing mo Pres"

Nahagip ng mata ko si Raphiel abala ito sa gamit n'ya ni hindi n'ya napansin na nandito kami ni Vierquinn. Naupo ako sa isang upuan malapit sa locker ni Vierquinn, pinagkrus ko ang braso ko gano'n din ang hita ko. Isinandal ko ang likod ko.

Sumama ako sa kan'ya dahil nakita ko si Vladimir kanina. Sa titig pa lang n'ya ay alam ko agad na may balak itong masama kay Vierquinn. S'ya nga din pala ang may pakana nung gabing pumunta si Vierquinn sa bahay namin na lasing na lasing at bangas ang mukha nito.

Nilingon ko si Vierquinn may hawak itong face towel na ipinupunas sa katawa n'ya. Pilit n'yang inaabot ang likod n'ya na mapunasan ito ngunit masyadong maliit ang towel na hawak n'ya.

"Wala na bang ilalaki ang towel na yan?" tanong ko sa kan'ya

"Nakalimutan kong dalhin kanina e" aniya napailing na lang ako dahil sa dismaya

Sinenyasan ko s'yang lumapit sa'kin na agad naman n'yang sinunod.

"Kung maliligo ka magpatuyo ka muna ng pawis" sabi ko sa kan'ya kinuha ko ang towel na hawak n'ya

"Tumalikod ka" sabi ko sa kan'ya na ikinakunot agad ng noo n'ya

"B-Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit mo ko pinapatalikod---

"Gusto mo bang ipunas ko sa mukha mo 'to" sarkastikong tanong ko sa kan'ya "Tumalikod ka dahil ipupunas ko 'to sa likod mo"

Wala sa sariling tumalikod s'ya. Itinaas ko ang damit n'ya at pinunasan ko ang likod n'ya. Dahan dahan lang yun dahil mukhang mamahalin amg balat n'ya

'Tss!'

Nang matapos ay ibinaba ko na din ang damit n'ya ibinalik ang towel sa kan'ya.

"Am I dreaming?" dinig kong bulong n'ya

"Bakit?" tanong ko sa kan'ya "Gusto mo bang bigwasan kita ngayon din mismo? Kapag umaray ka gising ka kapag hindi naman ay patay ka na"

"Bwesit ka Shiraha!" inis na naman s'ya padabog s'yang naupo sa tabi ko nakita ko pa ang pag ngiti ngiti nito na ikinangiwi ko naman

'Boang'

"Akala ko hindi ka na darating kanina" pangbabasag n'ya sa katahimikan namin

"Hindi naman talaga" sabi ko sa kan'ya bumaba ang tingin ko sa sapatos ko

"Tsss"

"Hindi ka na ba nilapitan ni Vladimir kanina?" tanong ko sa kan'ya

"Hindi na ano ba kasing sinabi mo sa babaeng yun?" aniya

"Ano rin bang ginawa mo sa babaeng yun bakit galit na galit s'ya sa'yo?" balik na tanong ko sa kan'ya

"D-Dati kaming magkaibigan"

Natigilan ako dahil sa sinabi n'ya 'Magkaibigan pala sila dati e. Anong nangyayari ngayon?'

"Then kung magkaibigan kayo bakit may intsensyon s'yang patayin ka n'ya?"

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now