Namangha ako nang makitang i-toss ni Raphiel ang bola mataas na tumalon si Vierquinn at walang kahirap hirap na pinalo ang bola. Sa lakas ng tira n'ya at sa bilis ng ginawa n'ya ay naka score agad ang team n'ya' napailing na lang ako habang pumapalakpak

'Bukod sa magaling ka nga talagang kumanta ay talaga rin namang magaling sa larong ito Vierquinn'

"GOOOO BAAABBBEEEE!" malakas na sigaw ng isang babae sa kabilang court

Nakita ko naman kung kanino nanggaling ang boses na 'yon. Naka pang cheerdance outfit pa ito may hawak pa s'yang pomp pomps. Bumalik ang tingin ko kay Vierquinn nakatingin din ito sa'kin nakakunot ang noo n'ya kaya naman natawa ako. Nilingon n'ya ang kabilang court kung nasaan si Aelia bakas agad sa mukha n'ya ang gulat.

"BAAABBBEEEE YOU CAN DO IT BABE!"

Bumalik ang tingin ni Vierquinn sa'kin bakas agad sa mukha n'ya ang inis. Napailing na lang ako.

Muli s'yang nagfocus sa laro. Masasabi kong napakahusay ni Vierquinn bilang isang middle blocker nababasa n'ya agad ang setter ng kalaban tulad ng isang libro. S'ya ang susi sa pagtanggol ng kanyang koponan. Mahusay naman s'ya sa lahat ng posisyon ngunit ang pagiging middle blocker ay napakahirap.

Ayon na naman halos sa kan'ya na naman tumatama ang bola. Kapag napalo n'ya ito ay para bang awtomatikong mapapasok n'ya ang bola sa kabila at kapag nasa kabila na yun ay hindi na agad magawang depensahan ng kalaban yun.

Natapos ang laro at kagaya ng inaasahan ko ay mananalo nga s'ya. Nananatili ako sa posisyon ko habang pinagmamasdan s'ya. Nakita kong lumapit si Aelia sa kan'ya nginitian lang s'ya ni Vierquinn pagkatapos ay tinalikuran n'ya ito at agad na nagtungo sa'kin.

"Anong mukha 'yan?" tanong ko agad sa kan'ya nakabusangot na naman kasi ito

"Ito ang mukha ng panalo" inis na sabi n'ya napangiwi na lang ako

"Hindi mo ba ako i-cocongratulate?" tanong n'ya sa'kin na ikinakunot ng noo ko

"Kailangan pa ba 'yun?" kunot noong tanong ko sa kan'ya

"Bwesit ka talaga!" inis na sabi n'ya sa'kin "Nanalo ako Shiraha! Panalo ako tapos gan'yan ibubungad mo sa'kin!?"

'Ano na naman bang problema ng lintek na 'to?'

"Saan ka galing? Halos maitalo ko na ang laro dahil hindi kita mahanap. Saan ka galing?---

Naalala ko naman yung nangyari kanina. Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan.

"Sa C.R sumakit tyan ko e" sabi ko na lang

Aalis na sana ako ng pigilan n'ya ako. Natigilan ako at nilingon ko s'ya. Titig na titig na naman s'ya sa'kin.

"Y-Yang matang yan" aniya na ikinakunot ng noo ko

"Anong meron sa mata ko?" tanong ko sa kaniya

"Yang tingin na yan Shiraha"

Natigilan ako ng bigla n'ya kong yakapin na ikinagulat ko naman. Naestatwa ako bumilis ang pintig ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan at nanlamig ako. 'Buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganito'

Hinayaan ko s'yang yakapin ako dahil pakiramdam ko'y wala akong lakas para itulak pa s'ya. Hindi na makagalaw pa ang katawan ko. Isa lang ang nasa isip ko. 'Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito'

Inikot ko ang paningin ko. Ayun s'ya gulat na gulat na nakatingin sa'kin na ikinakunot ng noo ko. Nakikita ko ang sakit sa mga mga mata n'ya wala akong maramdaman na kung ano sa kan'ya. Mabilis s'yang tumalikod at tumakbo palayo.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Vierquinn sa'kin

"Mukha ba kong hindi maayos?" tanong ko sa kan'ya

"Oo! Tara na nga!" hinawakan n'ya ang braso ko na ikinagulat ko

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now