"P-Paano mo nalaman?" aniya

Nagkibit balikat lang ako

"SINO KA BA TALAGA!?" malakas na sigaw n'ya

Tinalikuran ko na s'ya at hindi na pinansin pa. Natigilan ako nang mapansin ko si Vierquinn nagtama ang paningin namin ngunit mabilis s'yang umiwas.

"Tara na" sabi ko sa dalawang kasama ko na agad naman nilang sinunod habang naglalakad kami lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nasa amin

"Nakita mo ba talaga 'yon Tania?" hindi makapaniwalang tanong ni Zira sa'kin

Tumango naman ako 'Totoong nakita ko 'yon'

"Yang kwintas na suot mo" sabi ko habang naglalakad pa din kami "Masasagot n'yan ang tanong mo sa'kin"

"Ang cool mo do'n Tania" manghang sabi naman ni Venice "At hindi ko inaasahang gagawin naman ni Riley ang sampalin ka" dagdag n'ya

"Eksena ng hanap"

Natigilan kami sa paglalakad nang may humarang sa daraanan namin.

"V-Vladimir" sabi ng mga kasama ko

Nilingon ko si Vladimir halos mapatalon pa ito sa gulat dahil sa ginawa ko.

"Anong kailangan mo?" tanong ni Zira

"S'ya lang naman ang kailangan ko" sagot n'ya at itinuro pa ako na ikinakunot ng noo ko

"Pwede ba Vladimi tigilan mo na 'yan---

"Gusto ko lang ipaalam sa kanya na hindi pa kami tapos" aniya

Natawa naman ako dahil sa sinabi n'ya agad namang nabaling ang tingin nila sa'kin. Nawala ang tawa ko "Wala ka pang nasisimulan"

"A-Ano"

"Iyan lang ba ang kaya mo?" sarkastikong tanong ko

"You've got to be kidding me" aniya

Nginisian ko naman ito "Hindi pa tayo tapos dahil wala namang nagsisimula ngunit kung sisimulan mo? Hayaan mo sasamahan kita kahit walang dulo" huling sinabi ko at iniwan sila

RILEY POV

Nandito ako sa comfort room nasa loob ako ng isang cubicle. Kakatapos ko lang umihi lalabas na sana ako ng makarinig ako ng usapan

"ANONG TINI TINGIN TINGIN N'YO D'YAN!" malakas na sigaw ng isang babas at boses iyon ni Vladimir

Agad naman akong nakaramdam ng takot

"Ano bang nangyari?" may nagtanong sa kaniya sa palagay ko ay kaibigan n'ya ito

"May hampaslupang babae lang naman ang bumangga sa akin simula no'ng makabalik ako dito hanggang ngayon" halata ang gigil sa boses n'ya dahil sa babaeng iyon na tinutukoy n'ya

Napaisip naman ako 'Babaeng bumangga sa kaniya?'

Naalala ko 'yong unang araw no'ng magkasagutan kami ni Vladimir at ang babaeng may lakas loob na kalabanin s'ya ay si

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa naisip ko 'Shiraha?'

"Ano!?"

"Anong trip n'yo!? Uulit ulitin ko pa ang sinabi ko!" galit na galit na sabi ni Vladimir

"What? Babae ang bumangga sa'yo---

"Wag ka ngang tanga na parang gulat na gulat ka! Malamang school for girls lang ito!"

"Parang tanga"

"Admit it Vladimir natalo ka ano---

Nakadinig ako nang malakas na kalabog sa harap ng pinto kung nasaan ako agad naman akong napaatras tinakpan ko ang bibig ko dahil baka marinig nila ako

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now