"TANIA!" malakas na sigaw ni Vierquinn dahilan para mabitawan ko si Aelia agad namang sumalampak si Aelia sa sahig.

'Nice'

"Yari na"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo huh!?" sigaw n'ya sa'kin

"Nakita mo naman siguro---

Natigilan ako nang tumama sa pisnge ko ang palad n'ya. Hindi ko inaasahan 'yon.

"Simula no'ng dumating ka sa eskwelahang ito naging magulo na" galit na galit na aniya

'Ano bang eksena ng tanginang 'to?'

"Umalis ka nga dito!" sigaw n'ya sa'kin "Umalis ka dito at 'wag na 'wag ka nang magpapakita pa sa'kin!" dagdag n'ya akmang sasampalin na naman n'ya ako ng mahuli ko ang kamay n'ya

"AHHH" daing n'ya nang tumama naman sa pisnge n'ya ang kanang kamay ko

"Huwag kang makialam dito" malamig na ani ko na ikinatigil n'ya

'Im really starting to get pissed off'

Nilingon ko si Aelia na ngayo'y nakatayo na nawala ang ngisi n'ya nang makita n'ya kung paano ko itinulak si Vierquinn na nasa harapan ko

"She's really a ruthless" dinig kong bulong ni Zira

Dahan dahan akong humakbang palapit kay Aelia napaatras naman ito

"Sinadya mo" kalmado ngunit napipikong sabi ko

"Sinakatan mo ako tapos ngayon naman ay sinaktan mo si Riley! Who do you think you are" aniya

"Hindi lang 'yan ang aabutin n'yo sa'kin" banta ko sa kan'ya

She was about to slap me pero mabilis kong nahuli ang kamay n'ya pabato ko namang binitawan iyon napapikit s'ya nang itaas ko ang kanang kamay ko akmang sasampalin ko na sana s'ya nang ihinto ko ito.

"Sinadya mong itapon ang chocolate shake na hawak mo no'ng makita mo agad si Zira ngunit hindi mo ata napansin na kasama n'ya ako" sarkastikong sabi ko na ikinagulat n'ya

"Nakita ko ring ginawa n'ya 'yon"

"Akala ko ako lang nakapansin"

"My ghad ganiyan pala ugali n'ya"

"A-Are you accusing me?" iritableng tanong n'ya

"Ano bang nangyayari dito!?" naguguluhang tanong ni Vierquinn dahilan para lingunin ko ito agad na nagtama ang paningin namin

"Sana itinanong mo muna 'yan bago mo ko sinugod" sarkastikong sabi ko napayuko ito

Bumalik ang atensyon ko kay Aelia na ngayo'y hindi na makagalaw pa

"Hindi kita inaakusahan dahil ang sinasabi ko ay katotohanan" seryosong sabi ko "Kung talagang nabangga ka n'ya" itinuro ko si Zira na ngayo'y ngiting ngiti na kaya naman napangiwi ako "Sa makapal mong mukha pababa sa uniform mo ang bagsak ng chocolate shake mi at hindi sa sapatos mo" kalmadong dagdag ko na nagpatahimik sa lahat

"Itigil mo na 'to Shiraha ano ba" saway sa'min ni Vierquinn ngunit hindi ko s'ya pinakinggan

"Hindi naman ako tanga para mabuhusan ng chocolate shake ang uniform kaya nga bumagsak sa sapatos ko dahil mabilis akong umiiwas. Nag iisip ka ba? I can't believe you" mayabang na sabi n'ya

"Talaga?" sarkastikong tanong ko "Hindi mo magagawa ang kilos na nasa utak mo ngayon Aelia" itinapat ko ang bibig ko sa kanang tenga n'ya "Dahil 'yang kaliwang tagiliran mo ay may sugat hindi ba?"

Hindi ko inaasahang sasalampak na naman s'ya sa sahig

"Bagong tahi ang parteng 'yon" sabi ko na tanging s'ya lang ang makakarinig "Kaya kung ako sa'yo dahan dahan sa mga kilos mo"

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now