Natapos na siyang kumain at kailangan ko na ding umalis. Nakapantulog pa din siya ng yayain ko siya umakyat sa rooftop. 


"Yam? Bakit kailangan pa natin umakyat sa rooftop? Diba aalis ka na?" 


"Oo nga." 


Nakarating na kami sa rooftop. 


"Anong meron dito?" 


Nakatingin lang ako sa langit. Maya maya may dumating na helicopter. Nag land ito sa rooftop. Tumingin ako kay Julie. Gulat na gulat siya. 


"Dyan ka sasakay?" 


Tumango ako sakanya. May bumaba sa helicopter. Lumapit ito samin. 


"Good morning Sir Elmo." 


Ngumiti ako. "Good morning din sayo Jun. This is my fiancee, Julie Anne"


Nginitian naman niya si Julie. 


"Good morning po Ma'am Julie Anne." 


"Uhm..Julie nalang." 


Umiling siya. "Ma'am Julie." 


Ngiti nalang ang sinagot ni Julie sakanya. 


"Naka ready na ba ang lahat?" 


Tumango si Jun. "Yes, Sir. Nakaempake na din po ang gamit niyo. Dumaan po kami sa bahay niyo kanina." 


"Good." 


Humarap ako kay Julie. Hinawakan ko siya sa balikat niya. 


"Yam, aalis na ko. Mag-iingat ka palagi ah? Hintayin mo lang ako." 


Tumango naman siya. Niyakap niya ako ng mahigpit. 


"Hihintayin kita. Ikaw din ah? Mag-iingat ka. Wag kang magpapagutom."


"Ok naman." 


Hinalikan ko siya sa labi. Nagkahiwalay na ang aming mga kamay. Sumakay na ko sa helicopter. Narinig ko na sumigaw siya. 


"I LOVE YOU YAM!" 


Napangiti naman ako. 


"MAHAL DIN KITA!" 


Nag babye na siya sakin. Nasa taas na kami at kita ko parin siya na kumakaway. Mamimiss ko siya. 

Love at First SightWhere stories live. Discover now