CHAPTER 69

3 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

Nagising ako na nasa tabi ko sina kuya Aero at Paul. Hindi ako maka-kilos ng maayos, sobrang sakit ng sugat ko.

Badtrip!

Nagulat ako sa pagpasok ng dalawang nurse dito sa hospital room ko.

"Good morning, ms. Amaris." Bati ng nurse na babae sa akin. "Check lang po namin yung vitals niyo po and iinom ka na din po ng gamot" dagdag pa nito.

Agad kong ginising sina kuya Aero at Paul na nahihimbing pa rin. Ilang tapik ko pa sa kanila ay parehas na silang nagising.

Umalis sila sa tabi ko saka pumunta sila sa pwesto nila ate Yvaine at Luan na natutulog pa.

Ginising ni kuya Aero yung dalawa.

Agad na dumako sa akin ang paningin ni Luan na nakakunot na din ang noo.

Sermon na naman galing sa best friend ko, alam ko namang sesermonan din ako nila ate Yvaine at kuya Aero.

Parang gusto ko na lang matulog ulit HAHAHA.

Nang lumabas na ang dalawang nurse, lumapit na agad sa akin si Luan.

Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya, "shush...listen to me first, alam kong maling nagpadalos-dalos ako..." Tinignan ko rin sila kuya Aero, ate Yvaine, at Paul, "...I am sorry kung napag-alala ko kayo ng sobra, pero hindi din kasi ako matatahimik kung hahayaan ko lang ang nangyari kanila mom and dad."

"Mali pa din, Amaris Chandra! Alam mong hindi magugustuhan nila mom at dad yung plano mong yun, tinuloy mo pa din!" Inis na sabi ni kuya Aero.

"Tama na kuya" saway ni ate Yvaine.

"Kukunsintihin mo ang ginawa niya, Asta Yvaine?" Seryosong tanong ni kuya Aero kay ate.

"Hindi ko siya kinukunsinti, kuya. Walang akong kinakampihan sa inyo, kakagising lang ni Amaris, kailangan niya ng pahinga." Napipikon na sagot ni ate Yvaine.

Alam ko namang hindi nila maiintindihan yung side ko kung bakit ko nagawa yun.

Alam ko din naman na hindi tama yung ginawa ko.

"Pero kung hindi ko ba ginawa yun, mahuhuli ba sila tita Loisa at Luigi? Hindi 'di ba?" Tanong ko. "Dahil patuloy lang na mananahimik yung mga bumaril kanila mom at dad." Dagdag ko pa.

CHANDRAWhere stories live. Discover now