CHAPTER 28

2 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Cafeteria nila Luan, Patrick, ate Yvaine, at kuya Melvin.

Kakabreaktime lang namin at dito kami nagkita-kita. Nakilala na namin ni Luan ang mga kaklase namin. Natatawa pa nga si Luan kanina kasi may mga kinakabahan pa din.

Pero sabay din kaming nainis nung si Arthur na ang nagpakilala at nagulat kami na nasa iisang village lang kami.

FLASHBACK...

*TOK* *TOK* *TOK*

Napatingin kaming lahat sa pintuan at nagsiayos na kami ng upo. Pumasok ang isang ginang na may magandang ngiti, nakakahawa.

"Good afternoon, class A." Bati sa amin ng ginang. "I am Mrs. Celianne Araza and I am your professor in Quantitative Technique in Business. You call me prof Cel or prof Araza." Pagpapakilala sa amin ni prof.

Mukha siyang mabait, ang ganda-ganda ng ngiti nakakagood vibes.

"Introduce yourself muna tayo ngayon, kasi gusto ko kayong makilalang lahat. Tell me your name, birthday, where do you live, and your hobbies?" Sabi ni prof Cel.

Nagstart na kami at dahil nasa unahan kami ni Luan, ay kami na ang inuna.

Tumayo na si Luan dahil siya ang una sakin.

"Good afternoon everyone!" Masiglang bati ni Luan. "I'm Luan Vega Cortez, you can call me Luan or ganda, just kidding. January 15 ang birthday ko, regalo kung pupunta kayo ha hahaha. Nakatira ako sa Blue Ridge village and my hobbies, magshopping, kumain, gumala, manood ng movies, at many more. And I thank you." Maraming natutuwa kay Luan dahil sa sobrang kwela niya. Pagkaupo niya ay tumayo na ako sa gitna.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon