CHAPTER 36

0 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

Dalawang buwan na ang dumaan death threats na lang ang natatanggap namin. Hindi ko alam kung ano ang ipinupunto ni Arthur na mag ingat kami kay tita Loisa.

May alam ba siya?

Anong alam niya?

Friday ngayon at nandito kami sa ensayo nila Luan at Patrick. Napagdesisyunan ko na ding sumali ulit sa pag-eensayo ng taekwondo. Hindi naman na ako pinigilan nila ate at kuya. Nanonood na lang sila, lalo na nung nakipag sparring kami sa ibang estudyante ni master Manny.

Wala lang. Ang saya.

Inantay nila kami hanggang sa matapos kami nila Luan at Patrick. Nang matapos na kami ay dumiretso na kami sa kabilang building para mag gun firing.

Habang tumatagal ay mas nasasanay ako sa paghawak ng dalawang baril at patamain ang mga bala nito sa mga moving target. Mas maganda kung ganoon ang mangyayari. Hasang hasa na ako pag nagkataon may maikwentro na naman kaming mga tangang sumusunod sa amo nila na ayaw naman pala nilang mamatay.

Dahil sa mga nangyari noon, naging attentive ako lalo, isang kaluskos lang ay napapakilos agad ako. Kasalanan nila ito.

Ilang session pa ang hinirit ko bago ako tumigil. Nag-aya naman na silang kumain sa Jollibee dahil gutom na daw sila. Saktong gutom na din ako kaya nag-ayos na ako. Nagpasalamat pa kami kay Mr. Cloud bago lumabas ng building.

Nang papunta na kami sa mga kotse namin ay sabay na tumunog ang notification ni kuya Aero at Paul. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na binuksan ang email nila. Parehas silang natigilan.

Sinisilip ko ang cellphone ni kuya Aero dahil mas malapit ako sa kanya. Si Patrick naman ang sumilip sa cellphone ng kuya niya.

Nashock ako sa nakita ko. Shemayyyy!

"Bro, Architect na tayo!" Sigaw ni kuya Aero. Agad naman kaming niyakap ni kuya Aero.

"Aray ko kuya, masakit" reklamo ni ate Yvaine dahil nasisiksik kaming dalawa.

"Congrats, our architect." Bati ko kay kuya Aero.

"Congrats sa inyong dalawa." Bati nila kanila kuya Aero at Paul.

"At dahil diyan ako ang magbabayad sa Jollibee" sabi pa ni kuya Aero kaya ayun tuwang tuwa na naman si Luan dahil libre. "Sige na magsisakay na kayo. Chandra, sumabay ka na kay Paul." Sabi sa akin ni kuya Aero.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse ni Paul. Nang makasakay ako ay sumakay na din siya.

"Congrats, my Architect." Bati ko sa kanya at agad akong yumakap. Binigyan ko siya ng isang halik sa labi, peck lang yun. Wag kayong ano HAHAHA.

"thank you, love" pasasalamat niya sa akin at hinalikan ang noo ko.

Nagiging favorite ko na ang paghalik niya sa noo ko. Pinaandar niya na ang kotse at sumunod na kami sa mga kasama namin.

Tinotoo nga ni kuya Aero ang panlilibre niya sa amin sa Jollibee at nang matapos kaming kumain ay nagtake out din siya para sa mga tao sa bahay. Nag take-out din si Paul para kanila tita Paula at tito Patricio.

CHANDRAKde žijí příběhy. Začni objevovat