CHAPTER 48

1 0 0
                                    

April 5
AMARIS CHANDRA'S POV

Maaga akong lumabas ng bahay, magja-jogging muna ako. Wala pang taong gising sa bahay kanina nung umalis ako, dahil mag aalas singko pa lang ng umaga kanina.

Dito pa din naman ako sa loob ng village namin nagja-jogging. Weekly routine. Nang mapagod ako ay tumambay na lang ako sa malapit na park kung saan ko nakilala dati sila Leslie at Margareth, pumuwesto ako sa ilalim ng puno para makasandal ako.

Tinignan ko ang cellphone ko para icheck ang oras dahil lumiliwanag na. Pumikit ako saglit at pinapakiramdaman ang paligid ko habang pinapakinggan ang mga ibon na sumisipol.

"Namumugto ang iyong mata, di alam ang gagawin, kung pwede lang naman sana, ako na lang ang mahalin...hanggang dito lang tayo..." Nagulat ako nang biglang may kumanta na lalaki na malapit sa kinaroroonan ko.

Aalis na sana ako pero pinagpatuloy niya ang kinakanta niya kaya naman ay pinakinggan ko muna siya.

"Binubulong sa hangin, ang pag-ibig ko sayo, baka sakaling sumagot, pero malinaw ang totoo, hanggang dito lang tayo...hanggang dito lang tayo..." Broken ata si kuyang kumakanta.

"Pero di ko maiwasan, mapatid sa katotohanang, di naman magiging tayo, at hindi rin kakayanin, damdamin di pansinin, pero di mo alam ang aking kwento...basta't ang alam ko lang...na sobrang daling mahulog sa'yo..." Tumigil na siya sa pagkanta, pamilyar yung boses pero di ko na inisip.

Kaya naman ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa ilalim ng puno. Pinagpagan ko muna ang jogging pants ko sa likod bago ako naglakad paalis.

"Amaris..." Tawag sa akin ng lalaking kumakanta kanina. Nagulat ako sa paglingon ko.

"Arthur" banggit ko sa pangalan niya.

"Kanina ka pa dito?" Tanong niya.

"Medyo, ikaw pala yung kumakanta kanina, hindi kita nabosesan." Komento ko. "Mauuna na ako" paalam ko at saka ko siya tinalikuran.

"Happy birthday, my Am...friend" bati niya sa akin.

Nilingon ko ulit siya dahil hindi pa naman ako masyadong nakakalayo. "Salamat, Arthur" pasasalamat ko.

Tinalikuran ko na ulit siya at hindi na ako muling lumingon, nag-jogging na ulit ako hanggang sa makauwi na ako sa bahay. Pinagbuksan ako ng gate ni kuya Alberto, siya ang unang bumati sa akin kaninang lumabas ako.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon