CHAPTER 2

28 4 0
                                    

"Hey my moon, I miss you. Sapat na sa akin na nakikita kitang nakangiti."
-01110010


"Uy si Bab, ano yan ha, ikaw ha may sikreto ka na sakin ha, sino ba iyang R na yan, ayieeee" hindi ko napansin na nasa likuran ko na si Luan at sinisilip na rin yung papel na hawak ko aissshh, sino ba kasi 'tong R na ito?

"Bab, hindi ko ito kilala, okay? Tara na hindi na kita ililibre sige ka" agad naman siyang sumunod sakin at umaktong galit.

"Sabi ko nga! Sino ba kasing R na iyan at ayaw na lang magpakilala ng personal!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtawanan na lang kaming dalawa papunta sa parking lot ng school ng hindi sinasadyang may nasagi ako, shemay!

Agad akong humingi ng sorry dito at tinignan ito, nagulat ako na kaklase pala namin ito, si Rylan Sy, ang nakakuha ng 76/80 sa exam namin.

"Sorry Rylan ha, hindi ko sinasadya ito kasing si Luan kung makahampas ei hahaha, sorry talaga" paghingi ko ng paumanhin sa kanya, hinampas naman ako ni Luan.

"Ah w-wala iyon Chandra, by the way, c-congratulations pala sa inyong dalawa ha." Kinakabahan niyang sagot. Bakit siya kinakabahan at bakit siya namumula.

Hinawakan ko ang noo at tinanong ko siya, "ayos ka lang ba Rylan? Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" Halatang nagulat siya sa pagkakahawak ko sa kanya.

Bigla siyang umatras na kinabigla ko. "Ah-eh w-wala Chandra, sige mauna na ako, congratulations ulit." Kumaway-kaway pa siya sa amin habang papunta sa motor niya.

"Congrats din sayo," balik na sigaw namin sa kanya ni Luan.

"Weird niya Bab ha, tara na Hahahaha" tumango na lang ako at sumakay na kami sa kotse namin.

Papunta na kami sa mall ngayon para doon mag celebrate, ito kasing si Luan gusto sa mall pa bumili ng milktea at fries, meron naman malapit sa school, syempre alam na bibili na naman siya ng bagong damit.

Nasa unahan yung kotse niya habang ako ay nasa likod niya.

Nang makarating kami sa mall, pumunta muna kami sa Babu Milktea, dito kasi bukod sa milktea meron din silang tindang burger, fries, at iba pang fast food. Ako na ang oorder para sa aming dalawa.

"Bab, ano sa iyo?" Tanong ko sa kanya.

"Sama ako Bab, order tayong dalawa," ngiti niya sa akin.

Pumunta na kami sa counter para sabihin ang order namin. Ang inorder ko ay Cookies and Cream na milktea with cheesecake, tapos shawarma and fries, ang inorder naman ni Luan ay Okinawa milktea with cheesecake din, tapos burger and fries. Oh diba takaw namin hahaha medium size pa ang milktea namin.

Dumating ang order namin at sinimulan na namin ang celebration naming dalawa, kwentuhan at tawanan lang ang namayani sa aming dalawa. Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami at pumunta sa binibilhan ni Luan ng mga damit.

Namimili na ngayon si Luan ng mga damit niya. "Bab, bilihan na rin kaya natin si kuya Aero ng regalo, tuesday na today ei, baka marush tayo kasi marami tayong plano para sa birthday niya." Suhestyon ko kay Luan.

CHANDRAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt