CHAPTER 23

2 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

Exactly twelve noon ng marating namin ni Luan ang mall na malapit sa school. Pinark na ni Luan ang kotse niya at sabay na kaming bumaba.

Nagchat na si Paul sa akin kanina pa. Sabi niya ay nasa Babu Milktea sila ni Patrick at nakapag-order na din daw ng makakain namin.

"Bab, saan sila?" Tanong ni Luan sa akin habang naglalakad kami papasok ng mall.

"Babu Milktea daw Bab, nag-order na din daw sila ng makakain." Ngiting sagot ko kay Luan.

Dumiretso na kami sa Babu Milktea ni Luan.

PAUL ARIES' POV

Kanina pa kami ni Patrick dito sa Babu Milktea. Ilang minuto pang pag-aantay namin ay dumating na sila Amaris at Luan. Sabay pa kaming napatayo ni Patrick para salubungin ang dalawa. Malawak na ngiti ang sumalubong sa amin.

"Welcome come back, Amaris at Luan." Bati ko sa kanilang dalawa.

Agad namang lumapit si Luan kay Patrick. Nako naman kahit kailan talaga.

"I missed you baby." Sabi ni Luan sa kapatid ko at niyakap niya ito. Hindi ko na sila pinansin pa bagkus ay tinuon ko ang pansin ko kay Amaris.

"Welcome back, my moon. Have a seat. Namiss kita." Sabi ko sa kanya. "Kamusta ang bakasyon? Nag-enjoy ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Nag-enjoy ako, Polaris. Namiss din kita." Ngiting sagot niya sa akin.

"Let's eat." Singit ni Luan. Halatang gutom hahaha.

Nag-order lang kami ni Patrick ng spaghetti, fries, at milktea para sa aming apat kanina before dumating sila Amaris at Luan.

"After natin dito, hihiwalay muna kami ni Patrick hahaha Bebe time." Sabi pa ni Luan.

"Sige, magkita na lang tayo sa parking lot. Ililipat ko yung gamit ko sa kotse ni Paul." Sabi naman ni Amaris. "Bibili na din kami ni Paul ng pangregalo kay ate." Dagdag pa niya. Tumango lang si Luan sa kanya.

Fast forward...

Kasalukuyan kaming nag-iikot ngayon ni Amaris. Minadali lang namin ang pagkain namin kanina dahil 2 PM daw uuwi si Yvaine sa bahay nila.

Napunta kami sa accessories. Tumingin-tingin siya hanggang sa napunta kami sa mga relo.

"Polaris, anong maganda? Itong Golden Rolem Watch o itong American Diamond Ladies Watch?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa dalawang relo na hawak niya.

"Ikaw, my moon." Ngising sagot ko sa kanya.

"We're talking about wristwatch, Polaris." Natatawang sabi niya. I miss her laugh.

"Parehas namang maganda, ikaw kung anong mapili mo. Magugustuhan naman yan ng ate mo ei lalo na't galing sayo." Ngiting sagot ko naman sa kanya.

"Okay, I'll buy this two. Ikaw ba may regalo ka kay ate?" She asked me while we walking to the counter to pay the wristwatches.

"Wala pa, hindi ko alam kung anong ireregalo ko. Hindi ko alam kung anong favorite niya kaya inantay na kita." I explained to her. She nod while smiling.

CHANDRAWhere stories live. Discover now