CHAPTER 8

14 2 0
                                    

Magandang Araw sa inyong lahat! Ako nga po pala si Amaris Chandra Ruiz, 20 years old and turning 21 on Monday hahaha, ang taas na naman ng energy ko.

Wait, paano nga pala ako nakarating sa kama ko, ang alam ko ay nasa kotse ako ni Paul nakatulog dahil inabot ako ng antok? Ginising ba nila ako kagabi? Hahaha baka nga.

Tumayo na ako sa kama ko at nag-inat-inat na muna ako. Sumilip ako sa pool area parang masarap mag-swimming ngayong umaga ah, nag-ayos muna ako ng higaan.

Hindi na pala ako nakapagpalit ng damit kagabi, nako naman self! Nagpalit muna ako, nagsuot lang ako ng high neck halter na kulay black at board short na kulay black din, hindi na ako nagsuot ng damit, nagsuot na lang ako ng bathrobe. Naghanda na lang ako ng pamalit ko para mamaya.

Lumabas na ako ng kwarto ko habang bitbit ko ang pamalit ko, may CR naman sa sala, doon na lang ako magpapalit mamaya. Bumaba na ako at dumaan sa may kusina, kasi may daan doon papuntang pool.

Nang makarating na ako sa pool ay nilapag ko na sa may bench ang pamalit ko.

Hinubad ko na ang bathrobe ko at ipinatong ito sa may bench katabi ng pamalit ko. Katabi ng bench na pinatungan ko ay lamesa, at dalawang upuan, may payong din dito para hindi mainit kapag umupo. Nakita ko naman si Nanay Meg.

"Nanay Meg" tawag ko sa kanya.

"Ang aga mo naman diyan 'nak, nag-almusal ka na ba? Nag-kape?" Tanong niya sa akin. Umiling-iling ako at ngumiti sa kanya.

"Nako kang bata ka, baka mapasukan ka ng lamig, dadalhan kita dito ng almusal." Sabi niya pa sakin bago pumasok sa kusina.

Bumaba naman na ako sa pool, at nag-umpisang lumangoy-langoy habang inaantay ko ang pag-kain, nakita ko naman si ate Yvaine na naka bathrobe din may dala din siyang pamalit, sa kusina din siya dumaan.

Nginitian niya ako ng makita niya ako. Nilapag niya na din sa bench ang pamalit niya, hinubad niya na din ang bathrobe niya at pinatong ito sa bench, nakasuot siya ng halter na kulay blue at cycling short na kulay blue din. Bumaba na din siya sa pool at sinamahan ako.

"Hindi ka pa daw nag-almusal bunso" sabi ni ate.

"Mamayang gabi na ang alis natin papuntang Nasugbu, Batanggas, 11 PM tayo aalis. Yung Van natin at Van nila Luan ang gagamitin natin mamaya." Habol pa ni ate.

Ilan ba kaming lahat, Ako, si ate Yvaine, si Kuya Aero, sila mom and dad, si ate Alex, Paul, Patrick, Luan, Aster Roi, si Kuya Melvin, Nanay Meg, ate Cheska at ate Nina, at si kuya Lito. Sino pa ba?

"Ate Yvaine, nasabihan na po ba sila Luan at Paul?" Tanong ko sa kanya, tumango naman siya.

"Umahon na muna kayong dalawa dyan at mag-almusal na, may kape na din dito." Sabi ni Nanay Meg, habang nilalapag ang pagkain sa mesa.

Kaya umahon na muna kami ni ate Yvaine at nagsuot ng bathrobe. Umupo na kami sa upuan at kumain na, hinandaan kami ni Nanay Meg ng sinangag na may itlog at ham, at kape.

Inopen ko muna ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Binuksan ko ang messenger at chinat si Luan

⭐Luan Vega Cortez⭐

Me: Good morning bab, makakasama ba sila tito at tita? mamayang 11 PM ang alis natin.

CHANDRAWhere stories live. Discover now