CHAPTER 22

2 0 0
                                    

Good morning! It's already seven-thirthy in the morning. Kasalukuyang nagkwekentuhan kami habang nagmamaneho si Luan ng kotse niya. Kaninang 6:30 AM pa kami umalis sa kanila.

Nasa SCTEX na kami at kasalukuyan nang nasa toll. Mamayang 10 AM nandoon na kami sa Baguio. Almost 4 hours lang kasi ang byahe kung may sariling sasakyan.

"Bab, dala mo DSLR mo? Naiwan ko kasi yung akin eh." Tanong ni Luan sa akin.

"Oo Bab, dala ko po, nasa maleta." Ngiting sagot ko naman sa kanya.

Nagbayad na kami sa toll nang tumapat na kami dito. Matapos iyon ay nagpatuloy na ang byahe namin. Nagpapatugtog na lang kami ni Luan ng mga tugtugan niyang December Avenue. Fan girl siya ng mga ito, may ilang beses na nga kaming pumunta sa concert ng mga ito ei.

Nag-open muna ako ng cellphone ko para icheck kung may nagchat ba sa akin. May dalang pocket wifi si Luan para hindi kami mahirapan sa internet. Nakiconnect na ako sa wifi niya kaya naman sunod-sunod na notif ang dumating sa phone ko at maraming message ni Paul.

"Sana ol maraming ka chat hahaha." Masayang sabi ni Luan.

"Group Chat bab." Ngising sagot ko sa kanya.

"Sige na, replyan mo na yan bab, baka miss ka na niyan." Pang-aasar ni Luan. Napakibit-balikat na lang ako sa kanya. Binuksan ko na ang message ni Paul.

🌟Polaris🌟
Active 1 hour ago

Polaris: Good morning my moon, kumain na muna kayo bago kayo umalis. Have a safe trip, I love you and I miss you.

Polaris: Take care and Keep safe, my moon.

Polaris: Ang kulit ng kuya mo, inaasar pa din ako dahil mahal kita hahaha.

Polaris: Anong gusto mong pasalubong my moon? I will buy it for you.

Polaris: Chat me if nasa Baguio na kayo. I love you.

Me: Good morning Polaris, nasa byahe pa kami ni Luan mamayang 10 AM pa kami makakarating ng Baguio.

Me: Don't mind my kuya Aero hahaha he just want to tease you.

Me: Are you enjoying your vacation?

Me: Kahit ano na lang ang pasalubong mo hahaha wala akong maisip ei.

Me: Keep Safe and Take care too, Polaris...I love you.

"Ay kinikilig ang best friend ko hahaha ano na bang status niyo?" Pang-aasar pa ni Luan. Nako ano nga bang status namin? Hindi ko matukoy hahaha.

"Eh kayo ba ni Patrick? Bab, ano ng status niyo?" Balik na tanong ko sa kanya at nginisihan ko siya.

"Kami na nung recognition natin." Ngiting sagot niya. "Teka nga, ikaw yung tinatanong ko eh, bakit sa akin papunta ha aber?" Seryosong sabi niya.

CHANDRAWhere stories live. Discover now