CHAPTER 5

17 2 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV:

Malapit na kami sa bahay ng makita namin ni ate Yvaine si kuya Aero na hinatid palabas si Paul.

Nandito pala siya. Ano kayang naging sadya niya. Ah nevermind. Bumusina na kami at si kuya na ang nagbukas ng gate ng garahe.

Pinark ko na ang kotse ko bago pinark ni ate ang motor niya. Pagkababa ko ay kinausap ko si kuya. May dala din kaming pasalubong for them.

"Kuya Aero, we have something for you!" Bungad ko sa kanya at kinuha sa kotse ang mga pasalubong namin.

"What is it, buns?" Tanong naman ni kuya.

"Matcha Milk tea and a donut hahaha syempre meron din sila mom and dad kaya pumasok na tayo." Tawang sabi ko bago kami pumasok.

Nauna na akong pumasok. Habang nag-uusap sila ate at kuya, hindi ko na sila pinakinggan, narinig ko kasi ang pangalan ni Paul baka tinanong lang ni ate kung anong ginawa nun dito.

Nakita ko naman sila mom and dad na nasa sala na at nagkwekwentuhan, dumiretso muna ako kung nasaan sina Nanay meg, ate Nina, ate Cheska, at kuya Lito, nakita ko naman sila sa bandang likod ng bahay, oras ng pahinga nila ngayon dahil hindi na nagpaluto sila mom and dad. Lumapit na ako sa kanila.

"Nanay Meg, ate Nina, ate Cheska, kuya Lito, naghapunan na po ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Tapos na nak." Sagot naman ni Nanay Meg, tumango naman ang tatlo sa akin.

"May pasalubong po ako para sa inyo, pang dessert na lang po" inabot ko ang box ng donut at ang 4 na milktea na binili ko para sa kanila.

"Nako nak, nag-abala ka pa, pero salamat nak" sabi ni Nanay Meg,

"Salamat Ms. Amaris" sabi naman ni kuya Lito.

"Kuya Lito naman hindi na po kayo iba sa akin, kahit Amaris o Chandra na lang po ang itawag niyo sa akin." Ngiting paliwanag ko sa kanya. Tumango naman si Kuya Lito at ngumiti.

"Thank you dito Amaris" sabi naman ni ate Cheska.

"Thank you Chandra" pasasalamat naman ni Nina. Napangiti na lang ako sa kanila.

"Walang anuman po, salamat din po sa inyo. Nay, Kuya Lito, at mga ate, papasok na po ako sa loob." Pumasok na ako sa loob at dumiretso na sa sala nagtake-out na lang kami ni ate Yvaine sa Babu milktea at hindi na tumagal pa doon dahil naglaro pa kami sa Tom's World, nakakuha ako ng ilang tickets at ipinalit ko ito sa keychain na Moon. Oh 'di ba hahaha.

Nakita ko sila sa sala na kumakain na ng inuwi namin ni ate. Umupo na din ako sa tabi nila at nakipagkwentuhan. Pinagmamasdan ko sila, parang sobrang saya nila ngayon ako kayang meron? Hahaha bahala na nga.

Nakikinig na lang ako sa kanila minsan ay nakikitawa din pero syempre nagfocus ako sa pagkain hahaha.

"Bunso, malapit na ang birthday mo, mag 21 ka na hahaha tumatanda na ang bunso namin" pang-aasar ni ate Yvaine sa akin.

Anong araw na ba ngayon? Lunes pa lang naman, March 29 pa lang laman. Malayo pa.

"Matagal pa naman po ate ei," sagot ko naman sa kanya habang ngumunguya ng Donut.

"Wala ka bang plano, bunso?" Tanong naman ni kuya. Oo nga 'no, ano bang gagawin namin sa birthday ko? Hindi pa ako nakakasagot kay kuya ay nagsalita na si Mom.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon