CHAPTER 29

2 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

Isang buwan na din ang lumipas simula noong nag-umpisa ang klase. Halos marami na kaming kaclose ni Luan. Wednesday ngayon at katatapos lang ng first subject namin.

Nagkaroon din ng by group sa Fundamentals of Logic and Ethics with Values Education, ang prof namin ay si Mr. Russel Villamer.

Nagkahiwalay kami ni Luan, napunta siya sa group 3 at ako sa group 5, kagrupo ko si Arthur. Ayos lang naman dahil reporting lang, konting communication lang ang kailangan.

Close na din ni Arthur ang iba naming kaklase, masyado siyang maingay at magulo.

Hindi na namin pinapakealaman ang isa't isa. Subukan niyang mang-api baka hindi ko siya matantya.

"Ms. President, may I talk to you for a minute?" Pagtawag sa akin ni Ms. Gonzales, prof namin sa Speech Communication mamayang after breaktime.

Ms. President, ang daming bumoto sakin para pangunahan ang room namin, nangunguna na dun si Luan, nangampanya ata kaya hindi na pumili ang iba.

Agad akong sumunod kay prof Gonzales sa labas ng room.

"Good afternoon po, prof Gonzales" bati ko sa kanya.

"Good afternoon too, Ms. Ruiz, hindi ako makakapasok mamaya kaya panatilihin mong tahimik ang mga kaklase mo and sabihin mo sa kanila na pag aralan ang sususnod na lesson. Understood?" Bilin sa akin ni prof Gonzales.

"Yes po, Prof Gonzales." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Agad na siyang nagpaalam sa akin at agad namang lumapit si Luan.

"Bab, anong sabi ni prof?" Tanong ni Luan. Naglakad na kami papunta sa cafeteria ng school.

"Hindi makakapasok si Ms. Gonzales, pero pag-aralan daw yung susunod na lesson at panatilihin daw na tahimik ang classroom" sabi ko sa kanya.

"Ang boring mamaya, bab. Ayaw mong maglaro tayo sa room?" Tanong niya ng pipila na kami para bumili ng pagkain.

"Ano tayo bata? At saka bab, bawal mag ingay di ba?" Sabi ko kay Luan.

"Hindi naman yung larong maingay." Sabi niya at namimili na ng kakainin niya. "Ate, dalawa nga pong meal B, thank you po." Baling niya sa nagtitinda, inabot niya na ang bayad at inantay namin ang pagkain namin.

"Ikaw na ang bahala bab, basta walang maingay" paalala ko sa kanya.

CHANDRAWhere stories live. Discover now