CHAPTER 33

0 0 0
                                    

AERO ZEUS' POV

Isang linggo na ang lumipas simula nang hindi na magparamdam ang nagpapadala ng death threats kanila mom at dad.

Dapat ikatuwa ko iyon 'di ba? Dahil wala nang natatanggap ang magulang namin. Pero hindi ko maiwasang kabahan, bakit parang may mas malala pang mangyayari?

Nakapag licensure exam na din kami ni Paul nitong nagdaang linggo. Inaantay na lang namin ang paglabas ng resulta para maging ganap na kami na Architect.

Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila Paul at Patrick, kasama sila Yvaine, Amaris, at Luan. Dumaan muna kami dito saglit dahil may kukunin pero aalis din kami, magpipicnic kami dahil nagyaya si Amaris.

"Bunso? Kailan enrollment niyo ng second semester?" Tanong ko kay Amaris.

"Uhm, hindi pa po inaannounce kuya Aero ei, pero alam ko this week din." Sagot niya sa akin.

"Tara na?" Aya ni Paul sa amin.

"Bro, sa iyo sasabay si Amaris 'di ba?" Tanong ko kay Paul. Agad naman siyang tumango.

Kotse ko ang dala namin sa pagpunta dito kanila Paul, dahil tinatamad daw magdala ng motor sila Amaris at Yvaine. Nasaktuhan naman na may mga dala kaming pagkain.

"Saan ba tayo magpipicnic?" Tanong naman ni Luan.

Hindi pa sinabi sa amin ni Amaris kung saan kami magpipicnic. Buti na lang hapon na at hindi masyadong mainit.

"Ayala Triangle Gardens" sabay na sagot ni Amaris at Yvaine.

Hindi lang pala si Amaris ang nagsuggest pati pala si Yvaine. Nagsisakay na kami sa mga sasakyan namin at umalis na.

Isang oras na byahe ay nakarating na kami, agad kaming naghanap ng magandang pwesto sa ilalim ng puno at hindi masyadong mainit.

Nilatag na namin ang blanket at inilapag ang mga pagkain na dala namin at nagsiupo na kami, maliban kay Yvaine, Amaris, at Luan, dahil nagpicture-picture pa silang tatlo.

Kami naman nila Patrick at Paul ay nauna ng kumain at nagkukwentuhan. Ilang minuto pa ay nagsiupo na din yung tatlo para kumain.

Nag groupie naman kami na pinangunahan ni Luan. Naka ilang shot pa bago siya tumigil sa pagkuha ng picture.


AMARIS CHANDRA'S POV

Habang kumakain kami at nagtatawanan ay nagulat ako sa biglang pagtahimik ni ate Yvaine.

"Patrick, samahan mo ako doon, picture tayo." Pag-aaya ni Luan sa nobyo. Nang makalayo ang dalawa ay tinanong ko na si ate Yvaine.

"What's wrong ate Yvaine?"

"Uwi na tayo pag tapos nila." Sagot ni ate Yvaine.

"What's going on, Yvaine?" Tanong ni kuya Aero kay ate.

Bumuntong-hininga si ate Yvaine bago siya sumagot. "May tatlong lalaki na nakamasamid sa atin, bago pa tayo pumunta dito. Hindi ako natutuwa sa kanila."

CHANDRAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz