CHAPTER 7

11 2 0
                                    

ASTA YVAINE'S POV

Good day, its Thursday! This is Asta Yvaine your evening star in the morning and your Engineer Ruiz at your service. Kilala niyo naman siguro ako hindi ba? Barilin ko kayo pag hindi niyo ako kilala hahaha char napakabait ko kaya. Nasa kusina ako ngayon umiinom ng gatas, maaga akong nagising ngayon 5 AM I think, paggising ko kanina ay nag-ayos na agad ako, daily routines bago bumaba dito sa kusina, nagsuot na din ako ng damit na pangpasok, high-wasted jeans, tshirt, at Korean shoes na black. Nauna na akong umakyat kagabi sa kwarto ko dahil inaantok na talaga ako, iniwan ko naman sila Amaris at Paul dito sa kusina kagabi.

Nang matapos akong uminom ng gatas aya ipinagtimpla ko ng kape si Amaris, dadalhan ko siya sa kwarto niya, kailangan ko na din siya makausap dahil Friday na bukas. Nang matapos akong magtimpla ay umakyat na ako sa taas at pumunta ng kwarto ni Amaris. Kumatok muna ako bago ako pumasok.

Pagpasok ko ay mahimbing pa siyang natutulog, hinaplos-haplos ko naman ang kanyang ulo. Ang nag-iisang Selenophile ng aming pamilya ay may manliligaw na. Dati-rati lang ay nakakapit pa siya sa damit ko kapag lumalabas kami ng bahay. Napangiti na lang ako sa mga alaala naming bumabalik. Sa huling paghaplos ko ng buhok niya ay siyang pagdilat naman ng mga mata niya.

"Good morning, bunso" bati ko sa kanya. Sinuklian niya agad ako ng matamis niyang ngiti.

"Good morning din, ate Yvaine." Bati niya pabalik at umupo muna siya sa kama niya at tinignan ang oras. 5:30 AM pa lang.

"Ipinagtimpla kita ng kape." Sabi ko sa kanya at inabot ko ang tasa niya na may kape.

"Salamat po ate, ano po palang sadya mo ate?" Tanong niya sakin. Tinignan ko siya ng diretso sa mata.

"Bunso, you want to know how to use a gun, right?" Tanong ko naman sa kanya. Nagulat siya sa tinanong ko, kaya napatingin siya sakin.

"Opo ate." Tipid niyang sagot.

"Good, I want you to know that you and kuya Aero will go with me in my gun practice tomorrow, it was after class, but you can't tell it to mom and dad, kasi panigurado pare-parehas tayong malilintikan, okay?" Mahabang litanya ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango-tango, kita sa mga mata niya na gusto niya talagang matuto kung paano gumamit ng baril.

"Finish your coffee now, at maghanda ka na para sa pagpasok natin mamaya sa school. Pupunta na ako ulit sa kusina para magpahanda ng almusal, antayin kita doon." Huling sabi ko sa kanya, tinanguan niya naman ako, bago ako lumabas ng kwarto niya.

Bumaba na ako sa kusina at nagpahanda ng pagkain, umupo na ako sa dining, at ilang minuto lang ay bumaba na rin si Amaris na bagong ligo, binagsak niya lang ang kulot niyang buhok, nakasuot niya ng Tshirt na yellow na may tatak na pangalan niya likod, pinartneran niya ito ng jeans na tinupi niya at nagsuot siya ng rubber shoes na kulay white. Umupo na siya sa tabi ko.

"Ate, talian mo ako tirintas. Ikaw na bahala kung paano." Sabi niya sa akin, kaya naman pumunta muna kami sa sala para matalian ko na ang buhok niyang napakahaba.

Hinati ko lang sa gitna nag buhok niya, dalawang fish tail lang ang itatali ko, dahil mas bagay iyon sa kanya. Natatawa lang ako sa kaya dahil sa tuwing tinatalian ko siya ay inaantok siya.

Nang matapos ko siyang talian ay bumalik na kami sa dining at nandoon na sila kuya Aero, si mom, at si dad. Binati nila kami, at bumati din kami ni Amaris sa kanila.

CHANDRAWhere stories live. Discover now