CHAPTER 10

9 1 0
                                    

Author's Note:
April 5, 2000 po isinilang si Amaris Chandra Ruiz.

Happy birthday my selenophile🌙💜

°°°°°°°°°°°°
AERO ZEUS' POV

Nang makabalik na kami sa mga kwarto namin, sinigurado muna namin nila Paul na tulog na si Chandra. Binilin ko rin kanila Luan at Yvaine na magtulug-tulugan na muna sila. 12:30 AM ng magchat sa akin si Yvaine.

-My 1st Princess: Yvaine-

Yvaine: Kuya, mahimbing na ang tulog ni Amaris, si ate Alex ba hindi na namin gigisingin?

Me: Huwag niyo na gisingin si Alexandra, pumunta na kayo ni Luan dito.

Yvaine: Sige po kuya. Papunta na po kami.

Me: Sige, magdala kayo ng pandong para hindi kayo mahamugan.

Yvaine: Opo kuya. Bye.

Ilang minuto pa ay may kumatok na sa pintuan ng kwarto namin. Tumayo si Patrick para buksan ang pinto. Sila Yvaine at Luan na nga.

"Umupo na kayo, may plano tayo." Sabi ko sa kanila. Nang makaupo na silang dalawa ay pinag-usapan na namin ang maliit na surprise para kay Chandra.

"May nakita akong Malapit na Red Ribbon sa may labasan. Sinong bibili?" Tanong ko sa kanila.

"Ako na bro, ako na rin gagastos. Chocolate ang favorite niya tama ba?" Presenta naman ni Paul, tinanguan ko na lang siya.

"Ako, si Yvaine at si Alexandra, kami ang magbabantay kay Chandra hanggang sa magising siya. Pagod yun kaya panigurado 7 AM or 8 AM ang gising nun." Sabi ko naman sa kanila. "Luan at Patrick may store akong nakita kanina malapit sa resto, bili kayo ng balloons kahit tatlong piraso lang basta malalaki." Bilin ko naman kanila Luan at Patrick.

"Opo kuya, ako na ang bahala sa kulay. Yung favorite color na lang niya." Sagot naman ni Luan sa akin.

"5:30 AM gigising na tayo para 6:00 AM makabili na kayo." Sabi ko at tumango-tango naman sila.

"Lahat ng gifts natin nandoon na sa gazebo, inayos na nila mom and dad. May pasurprise din sila." Sabi naman ni Yvaine. Kaya pala umuwi agad sila mom and dad, may handaan din pala sa bahay.

"Ayos na ang plano, okay?" Tanong ko ulit sa kanila. Tumango na lang sila.

"Kuya, babalik na kami ni Luan sa kwarto namin. Bye. Good mornight." Paalam ni Yvaine.

CHANDRAWhere stories live. Discover now