CHAPTER 35

1 0 0
                                    

ARTHUR CRUZ'S POV

"Pa, open this damn door!" sabi ko habang kinakatok ang pintuan ng office room niya.

Agad namang bumukas ang pintuan. Pinagbuksan ako ng alalay niya. Medyo matanda sa akin ang isang ito. Nakita ko din ang tita Loisa ni Amaris na nakaupo sa isang upuan sa tapat ng table ni papa.

"Ano bang problema mo, Arthur?!" Sigaw na tanong niya sa akin.

"Kayo ba ang may gawa nun sa bunso ng Ruiz? Kayo ba ang bumaril sa braso niya?" Tanong ko.

"Sino pa ba? HAHAHA stupid! Bakit nag-aalala ka sa kanya? Gusto mo ang bunso ng Ruiz?"

"Gusto mo ang pamangkin ko?" Tanong ni Loisa. Hindi ko siya pinansin. Traydor siya. Tinatraydor niya ang kapatid niya at ang mga pamangkin niya.

"Bakit nadadamay siya dito, 'di ba don ka galit sa magulang niya?! Bakit dinadamay mo siya?!" Sigaw na tanong ko sa kanya.

"Dahil nga Ruiz din siya!"

"This is nonsense pa" sabi ko habang umiiling. Tatalikod na sana ako ng nagsalita pa siya.

"Alam mo bang sinugod ulit sila ng dalawa kong tauhan kanina? Pinaulanan ulit sila kanina ng bala sa parking lot ng school niyo." Sabi niya. Hindi man ako nakatingin ay ramdam ko ang pag ngisi niya.

Damn.

"What the hell?! Hanggang sa school ba naman, pa?!" Sigaw ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala dahil walang ibang estudyante doon. Huwag ka ding mag-alala dahil hindi ko idadamay ang mga kaibigan ng magkakapatid na Ruiz."

"Itigil mo na ang mga plano mo papa, isipin mo na lang sila Margareth at Leslie kapag naipit sila sa mga pinaggagawa mo."

"Sila ba ang inaalala mo o ang bunsong Ruiz? Walang nasaktan sa kanila kanina, mas nasaktan nga pero ang mga tauhan ko." Seryosong saad ni papa.

CHANDRAWhere stories live. Discover now