CHAPTER 50

1 0 0
                                    

AMARIS CHANDRA'S POV

Huling araw ng final exam namin ngayon, matapos nito ay bakasyon na namin. Ang bilis ng araw.

Ganoon pa din, nagising ako kaninang alas tres para mag-review, mabilis lang naman akong natapos, mga dalawang oras lang, kaya naman napagdesisyunan kong mag-jogging

Pagbaba ko ay nasa kusina na si nanay Meg, nag-aasikaso ng almusal namin. Kumuha ako ng bottled water at nagpaalam ako sa kanya na magja-jogging muna at isasama ko si Prometheus, ang aso ko.

Dumiretso ako ng garden at kinuha sa gilid ang tali ni Prometheus. Papakainin ko muna siya bago kami tatakbo. Naglagay na din ako ng treats para sa kanya. Nang palapit na ako sa kulungan ng aso ko ay agad itong kumahol at iwinagayway ang buntot niya.

Binuksan ko ang kulungan niya, agad siyang lumabas at naglambing sa akin. Nilagyan ko muna siya ng pagkain at tubig sa lalagyanan niya. Ilang minuto lang ay naubos niya na ang pagkain niya at uminom na din siya ng tubig.

Nilagyan ko na ng tali si Prometheus para makaalis na kami. Pinagbuksan na kami ni kuya Alberto ng gate para makalabas agad kami dahil tumatakbo ang alaga ko. Nang makaalis kami ng bahay ay nag-umpisa na kaming mag-jogging.

Nang mapagod ako ay dumiretso agad kami sa park para magpahinga, uminom muna ako sa dala kong tubig at binigay ko ang kalahati kay Prometheus dahil hinihingal na din ang alaga ko.

"Ate Amaris!" Tawag ng isang babae sa akin mula sa likuran ko.

Nilingon ko ito at hindi ako nagkamali kung sino ang tumawag sa akin. "Kayo pala, Margareth at Leslie. Nakabalik na pala kayo dito sa village."

"Opo ate, kahapon lang po. Kasama din po namin si kuya Arthur na mag-jogging, ayun po siya oh" kwento ni Leslie.

"Ang cute naman po ng aso mo po, ate Amaris. Ano pong lahi at ano pong pangalan niya?" Tanong sa akin ni Margareth. Lumapit na din sa amin si Arthur.

"His name is Prometheus, but you can call him Theus. He's an Alpha Siberian Husky." Pagpapakilala ko sa alaga ko.

"Can I pat his head, ate Amaris?" Tanong ulit ni Margareth.

"Can I, too?" Tanong din ni Leslie.

"Yes but dahan-dahan lang muna tayo ha kasi hindi pa kayo masyadong kilala ni Prometheus" paliwanag ko na agad naman nilang sinang-ayunan.

Hinawakan ko naman ng maayos si Prometheus baka kasi bigla silang kagatin. Delikado. Pinaamoy ko muna sila kay Theus para umamo kahit kaunti.

Nang okay na at kalmado na ang aso ko ay dahan-dahan nilang ni-pat ang ulo ito. Nagustuhan naman ni Prometheus ang ginawa nila kaya naman ay umupo ito at winawagayway ang buntot niya.

CHANDRAWhere stories live. Discover now