CHAPTER 20

2 0 0
                                    

"The Last Section of Business Management, Class-A with their Professor Mrs. Rina Santiago, here are the with honors..." Sabi ni Ms. Cruz.

Umakyat na si Mrs. Santiago sa stage, at inabangan niya kaming mga anak niya.

"Sky Laurencia..."

"Samara Monteverde..."

"David Perez..."

"Jessica Perez..."

"Liam Ramiro..."

"Julianna Ramos..."

"Harry Sandiego..."

"Icy Sevilla..."

"Micaella Sta. Cruz..."

"Luigi Vargas..."

After 2 minutes bago tawagin ni Ms. Cruz ang mga estudyante. Lahat sila ay sinabitan ng kanilang mga magulang ng medalya kasama si Mrs. Santiago na taga-abot ng medal.

"We will proceed to the students listed with high honors..." Sabi ulit ni Ms. Cruz. Tinatawag niya na ang mga kaklase namin.

"Marco Agustin..."

"Kirby Bautista..."

"Anna Bien..."

"Ramil Cesar..."

"Chloe Cuangco..."

"Kate Dalton..."

"Arriana Dela Vega..."

"Luisa Gomez..."

"Michael Sta. Cruz..."

May ilan na kaming kaklase na umiiyak. Yeah, we didn't expect this. Aminado kami na pare-parehas kaming nahirapan ngayong 2nd year college namin.

"And here are the students of Class-A that listed with highest honors..." Panimula ni Ms. Cruz.

Nakita ko naman na lumapit na ang mga magulang namin.

"Haven Acosta..."

"Rome Abel..."

"Rylan Sy..." Pagtawag kay Rylan ay lumingon pa siya sa akin bago siya umakyat ng stage habang nakangiti. Umakyat din ang parents niya at sinabitan siya ng medalya.

Nang bumaba na siya ay bumalik din siya sa pagkakaupo at hindi na ako ni lingon.

"Luan Vega Cortez..." Nang tinawag na ang best friend ko ay pumalakpak na din ako at hindi na inisip si Rylan. Kita ko ang saya sa mga mata ng best friend ko. Naiiyak si tita at hinalikan naman ni tito si Luan sa Noo. Pinicturan sila ni Aster, gamit ang DSLR nito.

Bumaba na sila Luan kaya naman it's my turn now.

"Amaris Chandra Ruiz..." Pagtawag sa akin ni Ms. Cruz ay sumunod na din sila mom at dad. Nginitian pa ako ni Ms. Cruz at bumulong sa hangin ng "congrats".

Inabot na ni Mrs. Santiago ang medalya kanila mom at dad, at isinabit na nila ito sa akin. Niyakap pa nila ako.

"Congrats, Amaris." Bati sa akin ni Mrs. Santiago.

CHANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon