CHAPTER 43

1 0 0
                                    

PAUL ARIES' POV

Nauna akong nagising kay Amaris, mahimbing pa din siyang natutulog sa tabi ko at nakayakap. Napagod talaga siya sa kakaiyak niya kagabi.

Hinalikan ko ang noo niya at pinagmasdan ko na lang siya habang natutulog. Ilang minuto lang ay gumigising na siya.

"Good morning, my love" bati ko sa kanya bago ko siya niyakap ng mahigpit.

"Good morning din, Polaris" bati niya pabalik sa akin.

"Hatid kita sa school" sabi ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot sa akin. Tatayo na sana ako pero bigla niya ako hinila pabalik.

"Mamaya kana bumangon, dyan ka lang, five minutes." Sabi niya sa akin at yumakap ng mahigpit. Yumakap na lang din ako sa kanya.

After five minutes ay bumangon na kaming dalawa. Nagpaalam siya na maliligo muna kaya naman ay pumunta muna ako sa balkonahe niya.

*knock* *knock* *knock*

Kasunod ng tatlong katok ay bumukas ang pintuan ng kwarto ni Amaris at pumasok si Yvaine.

"Oh Paul, nandito ka pala, ang aga mo naman" sabi ni Yvaine.

"Dito ako natulog kagabi" sagot ko sa kanya.

"Good yan, may nakausap ang bunso namin." Sabi niya pa. "Nasaan pala si Amaris?" Tanong niya sa akin.

"Nasa banyo, naliligo na"

"Ah ganoon ba, sabay na lang kayo bumaba sa dining para makakain na kayo. Pasabi na rin sa kanya na pumasok na sila mom, dad, at kuya sa company" bilin ni Yvaine.

"Sige, maliligo na din muna ako sa may guest room" sabi ko. Tumango na lang siya at lumabas na sa kwarto ni Amaris.

Kinuha ko na ang paper bag na naglalaman ng damit ko at dumiretso na ako sa guest room para maligo. Mabilis lang akong naligo at nagbihis na. Bumalik ako sa kwarto ni Amaris, naabutan ko naman na siyang nagsusuklay.

"Ang gulo ng buhok mo, love" sabi niya sa akin.

Inayos ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. "Ayos na ba, love?" Tanong ko sa kanya.

Tumayo siya bitbit ang suklay niya at lumapit sa akin. Tinitignan ko lang ang mukha niya habang sinusuklay niya ang buhok ko.

"Baka naman, Polaris, umupo ka na lang diyan sa kama, para masuklayan kita ng maayos" pagrereklamo niya.

Natawa naman ako ng bahagya dahil doon, kaya naman ay umupo na lang ako sa kama niya gaya ng sinabi niya. Yumakap ako sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa tiyan niya.

"Maayos na, Polaris." Masayang sabi niya.

"Love, pumasok na nga pala sila tito, tita, at kuya Aero mo. Sabi ni ate Yvaine mo, baba na daw tayo para makakain na tayo ng umagahan." Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin.

"Baba na tayo" aya ni Amaris. Bumitaw na ako sa kanya at ibinalik niya na ang suklay sa vanity table niya. Tumayo na ako at sabay na kaming lumabas ng kwarto niya.

AMARIS CHANDRA'S POV

Naabutan namin si ate Yvaine na papunta na sa Dining galing siya sa Living area.

"Good morning ate Yvaine." Bati ko.

"Good morning din bunso. Sakto ang pagbaba niyong dalawa, kakain na tayo." Sabi ni ate Yvaine.

"Nanay Meg, sumabay na po kayong kumain sa amin" aya ko kay nanay Meg.

"Mamaya na kami nila ate Cheska at ate Nina mo 'nak" sagot niya sa akin.

CHANDRAKde žijí příběhy. Začni objevovat