CHAPTER 18

2 0 0
                                    

*Bang* *Bang* *Bang*

Ilang session na ang gun practice namin ngayong araw. Pumunta kami dito mga 3 PM na at halos dalawang oras na kaming nagpapractice ngayon. Halos ibuhos ko lahat ng lungkot ko sa practice namin dahil sa panaginip na iyon.

Ruger-57 ang madalas kong gamit, maganda naman kasing gamitin. Sunod-sunod na ring nakapagpatumba ng target sila kuya Aero at Paul. Kaya naman pinasubok sa amin ni Mr. Cloud ang mga gumagalaw na target.

Pumunta na kami sa pwesto at sinimulan ang pagsasanay. Lima pa din ang target. May pinindot si Mr. Cloud na isang remote at nag-umpisa ng gumalaw ang mga target.

Gamit ko pa din ang Ruger-57 mamaya ay itatry ko ulit yung AR 15. Si kuya Aero naman ay Taurus .38 ang gamit at si Paul naman ang gamit niya ay Raven Arms co.25.

Hindi madali sa akin ang pagfocus sa gumagalaw na target. Sa huli ay apat lang ang napatumba ko. Kay kuya Aero naman ay lima at kay Paul ay apat din.

Wala dito sila ate Yvaine at kuya Melvin. Nasa mall si ate Yvaine ngayon dahil nakikipagkita si ate Serene na best friend niya. Si kuya Melvin naman ay nasa company nila dahil pinatawag ulit siya ng daddy niya. Sila Patrick at Luan ay nasa kabilang building at nag-eensayo pa din ng taekwondo at aikido.

Kinuha ko na ang Assault Rifle 15 at pumuwesto na sa may target na kumpleto pa. Pinindot ulit ni Mr. Cloud ang remote at gumalaw na naman ang mga target.

Sunod-sunod kong pinaputukan ang mga target, wala na akong pake kung wala akong matamaan.

Nang maubos ang bala ko ay ibinaba ko na ang rifle. Pinindot ulit ni Mr. Cloud ang remote para huminto ang target at nilapitan niya ito, para tignan kung saan tumama ang mga bala ng rifle.

"Hey, bunso, kanina ko pa napapansin na parang galit ka. May problema ba?" Tanong ni kuya sa akin habang nakatalikod ako sa kanya kaya naman ay hinarap ko siya, dalawa pala sila ni Paul ang nasa likod ko at bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

"My moon, kalma lang." Sabi naman ni Paul.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Wala naman pong problema kuya Aero at Paul. Medyo ginugulo lang ako ng panaginip ko kanina." Sabi ko sa kanila at pinilit na ngumiti.

"Excuse me, Amaris. Lahat ng target mo ay natamaan, dalawa sa ulo at 3 sa dibdib. Hindi ko alam kung paano mo nagawa iyon ng mabilisan pero ito lang masasabi ko. Pwede ka ng maging Agent o kaya ay sundalo." Ngiting sabi sa akin ni Mr. Cloud. Hindi ako makapaniwala na matatamaan ko ang lahat ng iyon ng ganoong kabilis. "By the way, may regalo ako sa inyong tatlo." Dagdag niya pa habang nakatingin sa akong tatlo.

Naglakad siya papunta sa isang lamesa na nandito lang din sa loob ng practice Area namin. May kinuha siyang tatlong box na magkakaibang kulay dark blue, black, at red.

Inabot niya sa akin ang black, kay kuya Aero ay dark blue, at kay Paul ay ang red na box. Hindi ito sobrang laki, parang briefcase na lalagyan ng mga tools.

"Sabay-sabay niyo ng tignan ngayon." Ngiting sabi ni Mr. Cloud.

Pagkasabi niya noon ay sabay-sabay naming binuksan ang case. Nagulat ako dahil binigyan niya kami ng tig-iisang baril na iba-iba at may kasama na itong papeles at lisensya na nakapangalan sa amin.

CHANDRAWhere stories live. Discover now