CHAPTER 24

4 0 0
                                    

Pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon namin sa Naic, Cavite ng pamilya ko ay nag spend pa kami ng dalawang araw na magkakasama.

Nagsimba kami noong Sunday, after nun dumiretso kami sa Mall. Doon kami kumain, nanood kami ng Sine, pinanood kami nila mom at dad na maglaro sa Tom's World, katulad noong mga bata pa kami nila ate Yvaine at kuya Aero.

After that day nagkita kami ni Paul, he invited us to go to his grandfather's birthday in Tagaytay. Dalawang araw ang itinagal namin doon. Kasama din si Luan at Aster na alam kong inimbitahan ni Patrick. Yeah, we spend our vacation together. Hindi naman noon nakasama sila mom at dad dahil may aasikasuhin.

Magkasama kami ngayon nila Luan, Patrick, ate Yvaine at kuya Melvin. Kasalukuyan kaming nandito sa school auditorium dahil ibibigay na daw sa amin ang class schedule namin for next school year.

"Bab, I want to tell you something..." Putol kong sabi sa kanya. Balak ko ng sabihin sa kanya yung tungkol sa gun practice kasi alam kong hindi ko na ito maitatago dahil sila mom na mismo ang nagsabi. Hindi ko na din kayang magtago sa best friend ko.

"Ano yun, Bab?" Ngiting tanong niya sa akin.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Bab, ano kasi...gusto nila mom na sumama ako kanila ate Yvaine at kuya Aero sa gun practice...for self protection daw." Sabi ko sa kanya.

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Luan.

"Hey Bab, I'm sorry." Mahinang sabi ko at niyakap ko siya.

"Okay, I will support you but you will only use it for your protection. Don't kill people, Bab...please." Tuluyan ng nabasag ang boses niya at may lumandas na luha sa kanyang pisngi.

"Shh, I will promise na gagamitin ko lang ito para sa protection ko. Don't cry na, nakikita ka ni Patrick mo na umiiyak oh hahaha." Ngising sabi ko sa kanya. Tumahan naman agad siya at agad na pinahiran ang kanyang mga luha.

"Good Afternoon BM, Engineering, at Med students." Bati ni Ms. Cruz sa aming lahat. Kasama niya naman yung mayabang niyang pamangkin na si Arthur, bitbit ang mga schedule ng mga estudyante. "So nasa akin na ngayon ang schedule niyo, inaatas sa amin ni Dean ang pamamahagi sa inyo ng inyong COE kasama ng ating Guidance counselor at ni Prof Amoro. Med students pumila kayo sa tapat ng ating guidance counselor, engineering students sa tapat ni prof Amoro, at BM students sa tapat ko." Mahabang litanya ni Ms. Cruz.

Nagsiayos naman kami ng pila. Humiwalay na sa amin sila Patrick, ate Yvaine at kuya Melvin. Hindi na pumila si Arthur dahil tinutulungan niya si Ms. Cruz na iayos ang mga schedule na buhat niya. Nasa dulo kami ni Luan nakapila, hindi naman gaano kahaba dahil halos karamihan ng BM students ay nasa kanilang bakasyon. Pwede pa naman namin kunin ang schedule sa pasukan pero mas gusto namin ngayon.

Isang oras ang lumipas at kami na ni Luan ang kukuha ng schedule.

"Good afternoon po Ms. Cruz." Sabay naming bati ni Luan.

"Oh kayo pala, Amaris at Luan. Good afternoon din." Ngiti niyang bati sa amin. Bumaling naman siya kay Arturo. "Arthur, sa schedule ng section A...Luan Vega Cortez at Amaris Chandra Ruiz." Utos niya sa pamangkin. Agad namang sumunod si Arthur sa kanya. "Kamusta ang bakasyon niyong dalawa?" Tanong ni Ms. Cruz sa amin habang inaantay namin ang schedule.

CHANDRAWhere stories live. Discover now