CHAPTER 15

2 0 0
                                    

Chinat ko si Luan para pumunta muna dito sa bahay, 9 AM pa lang naman. Mamayang 1:30 PM na kami pupunta ng school dahil 2 days ang clearance day namin. Then sa Wednesday-Friday ay practice ng graduation ng 4th year college. Sa Saturday na ang kanilang graduation.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagmumuni muni.

⭐Luan Vega Cortez⭐
Active Now

Me: Bab, good morning, punta ka ngayon dito. May pasalubong sa iyo si mom, ganoon din kay Aster. Kaya isama mo yung kapatid mo. Magkotse na kayo.

Luan: Bab, paano si Patrick? Magsusundo daw siya.

Me: IChat mo, sabihin mo dumiretso na dito sa amin tapos kotse na lang ni Aster ang dalhin niyo.

Luan: Sige Bab, ichachat ko na siya tapos diretso na kami dyan ni Aster. I miss you and I love you.

Me: I miss you and I love you too bab, wala bang pasalubong from San Fernando?

Luan: Meron Bab, puro mais hahaha dalhan namin kayo dyan.

Me: ay bet! Papagawa ako kay Nanay Meg ng sweet corn mamaya.

Luan: Pumayag na si Patrick, bab. Pinalagyan ko na din ng 20 pcs na mais yung likod ng kotse ni Aster. OTW na kami. Bye.

Me: Bye Bab, ingat kayo. Mwuaps.


Gabi na din pala nakauwi sila Luan kahapon galing ng San Fernando, La Union. Malapit lang naman ang village nila Luan sa amin. Kaya mga ilang minuto lang ay dadating na din yun sila.

Nakaligo at nakabihis na ako ng pampasok. Naka longsleeve ako ng fitted na parang croptop ang datingan kulay black at pinartneran ko naman ito ng high waisted pants at ankle boots.

Nakapag-almusal na din kami kanina. Maagang umalis sila mom and dad kasama si tita Loisa. Nagulantang ako sa mga nalaman ko kagabi. Akala ko ay iisang anak lang nila lolo at lola si daddy, dalawa pala sila. Small world nga lang talaga dahil same school din kami ni ate Coreen.


Flashback...

"Next school year sa Galaxium University mo na pag-aralin sila Lander at Lance. Mapag-aaral mo na sila ng maayos ng hindi ka nagpapagod ng sobra, Loisa. You can start a business if you want." Sabi ni dad kay tita loisa, habang nasa hapagkainan pa din kami. "Si Migo naman ay patapusin niyo na muna siya sa Astraea High School at pag college niya sa Galaxium na din siya." Dagdag pa ni dad.

CHANDRAWhere stories live. Discover now