CHAPTER 1: WRONG START

297 22 9
                                    

ALEXA'S POV

Foundation day ng school namin ngayon kaya nagkalat ang mga sari-saring booth sa campus. Kasalukuyan kaming naglilibot ng mga kaibigan ko nang biglang may lumapit sa amin na isang babae at dalawang lalaki.

"Excuse me po, sino po sa inyo si Ms. Alexa?" Wika ng babae. Teka ako ba yun? Anong kailangan ng mga ito sa akin.

" Why do you need her?" Sagot naman ni Rhea, my bestfriend. Taray naman ng babaing to, nag-eenglish, end of the world na ba?

Sumagot naman pabalik ang babae na nagpalaki naman ng aking mga mata, "Kasi po may nagbayad po sa amin para makablind date siya." What Da! Sino namang nilalang ang may lakas ng loob na inisin ako sa araw na ito.

Seriously, anong kalokohan to. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at ganun na lang ang pag-iwas ng mga mata nila sa akin. Wengya, sigurado akong may kinalaman sila sa pakulong ito.

Itinuro naman ako ni Rhea sabay sabing "Siya si Alexa."

Napa-face palm na lang ako sa utak ko, sinabi ko bang bestfriend ko siya? Gosh this gurl. Magsasalita pa sana ako ng bigla akong hawakan ng mga lalaking kasama nung babae.

" Ano ba ! Bitawan nyo nga ako" inis na saad ko.

" Sorry po pero kung gusto nyo po makawala, magbayad po muna kayo ng 100 pesos."

" What? Arggggh ! "

Wala na akong nagawa kung hindi sumama sa kanila dahil nasa magaling kong mga kaibigan ang pera ko at alam kong wala silang balak na ibigay sa akin yun. Pagdating namin sa booth nila, pinaupo nila ako sa tabi nung lalaki at pinosas.

"Wait, bakit may posas?" naiinis pero kalmado kung tanong sa kanila

' Kasama po kasi sa protocol namin ang posas ma'am para di po kayo makatakbo sa blind date niyo. " Sagot naman nung lalaking nagposas sa akin.

I just rolled my eyes to them. Seriously, sino gumawa ng protocol na yun. Magtago na siya dahil yari siya sa akin pag nakita ko siya. Umalis naman na yung mga kumuha sa akin.

Humarap naman ako dun sa lalaking "ka-blind date" ko kuno. In fairness pogi siya.

"Tsssss ! Pipili na nga lang na makakadate ko, panget pa. "

Pigilan niyo ko, pinapainit ng mokong na ito ang ulo ko.

" Aba't hoy ikaw,ang kapal ng muk----" *tsup*

" Too naisy" ngisi niya.

Did he just kiss me? The nerve of this guy ! Ready na sana ako magworld war 3 sa taong to nang dumating ulit yung mga kumuha sa akin at tinanggal ang posas ng kamay namin.

"Pasensya na po kayo Ma'am and Sir ! Di po pala kayo ang magkapareha ! " Nanlaki ang mga mata ko.

" What did you say ! " Inis kong sabi. Hindi ba nila alam na hinalikan ako ng mokong na ito tapos di pala kami magkapareha sa blind date na ito.

"Sorry po Ma'am Alexa, sa dami po kasing nag-request maka-blind date si sir Ken, na-mix na po yung mga papel. Sorry po Ma'am " Kinakabahang sagot nito.

Napabuntong hininga na lang ako upang ikalma ang sarili ko. Ito ang hirap pag foundation, sa daming gusto ng mga tao, nagkakagulo na ang mga bagay-bagay.

" Kung hindi siya ang ka-blind date ko, then who? " tanong ko

Kinakabahan pa rin siyang sumagot at sabay sabi, "Ma'am maling Alexa po ang naisulat sa papel, ang totoo po niyan, wala po dapat kayo dito."

Napanganga naman ako sa sinabi niya at narinig kong tumawa yung Ken na ito.

"At anong nakakatawa" pagmamaldita ko dito.

" Wala naman ! Naisip ko lang, sino nga ba ang makikipagdate sa katulad mo? "

"Aba't sumusbra ka na" akma ko siyang sasampalin ng makailag naman ito.

"But anyway, nag-enjoy naman ako pero if you'll excuse me, pupuntahan ko lang ang totoong ka-date ko. " Nakangisi siyang tumalikod sa akin na kinadagdag naman ng inis ko.

Aalis na din sana ako ng humarap siya sa akin sabay sabing, "it is sweet" sabay baba ng kaniyang tingin sa labi ko dahilan naman para ikapula ng pisngi ko.

"Besh ! " Hahabulin ko sana yung mokong na iyon ng tawagin naman ako ni Rhea. Inis ko siyang hinarap.

"What" sabi ko

"Ito naman ang init ng ulo mo, tutubusin na nga kita eh" natatawang sagot neto

" No need. It is just a misunderstanding. " Nauna na akong naglakad sa kaniya dahil inis na inis talaga ako sa nangyari. Pagkatapos kuhain ng Ken na yun ang first kiss ko, it is just a misunderstanding.

I just shrugged off the thought para di tuluyang masira ang araw ko. Pero itaga niyo ito sa bato, lintek lang ang walang ganti.

Makalipas ang ilang oras, umuwi na rin ako sa bahay. Pagpasok ko ng kwarto ay dumiretso ako sa aking computer. Nag-online ako sa facebook at sa di malamang dahilan, sinearch ko ang pangalang Ken. Pero failed, di ko mahanap sa facebook. Naiinis kong pinatay ang computer ko at humiga sa kama. Di ko na namalayang nakatulog ako.

ITUTULOY!!

ITUTULOY!!

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
BLIND DATE | COMPLETED |Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt