Chapter Forty Four

655 32 4
                                    

Chapter 44


Noong una hindi ko maintidihan kung bakit kami nandito pero kalaunan ay unti-unti ring nagrerehistro sa utak ko. The moment I realized why we are here my emotions started to burst out as well.


"I know you've been wondering where I buried our child years ago. I'm sorry ngayon lang kita nadala rito. I'm sorry, ngayon lang kita... ipapakilala sa kanya. Thank you kasi hindi mo ako pinangunahan sa parteng ito though it is your right. Salamat kasi palaging kapakanan ko palagi mong iniisip. Hindi mo man masabi-sabi, naga-alangan kang tanungin kasi baka iniisip mo na baka hindi ko kayanin. This is one of my traumas. Actually, hindi pa rin ako ayos sa tuwing binabanggit ang anak natin. Masakit pa rin. T-takot pa rin naman ako. Pero tingin ko oras na para... tayong... tayong dalawa naman ang bumisita sa kanya nang sabay sa pagkakataong ito." I swallowed hard with her remarks. Hindi ako makapagsalita. Hinihintay ko na lang ang susunod na mangyayari. It pains me... and at the same time I longed for it.


Tahimik kaming dalawa hanggang sa tumigil kami sa lilim ng isang matayong na puno ng nara. There is only one grave printed. Walang pangalan... tanging nakalagay lang ang... To our little angel.


Titig na titig ako sa lapida... ang mga luha ay nagbabadyang pumatak. Ang sakit sa puso. Bago pa ako tuluyang malunod ng nararamdaman ko ay nagsalita na si Aya.


"Uhm, I didn't get the chance to... uhh... know its gender. Well... uhh... obviously... 6 weeks pa lang naman akong buntis nun," she chuckled painfully. "Kaya... ayan... angel na lang ang pinalagay nila Mommy."


It's too painful to know that we didn't get the chance to know our child more.


"Kahit dugo pa lang naman siya noon, I think he or she deserves a proper place, so we made this." Kahit deretso magsalita si Aya alam kong nagpipigil lang din ito ng damdamin at kahit anong oras ay sasabog at sasabog na rin siya. Nananatili ang tingin ko sa baba... nasasaktan... nagsisisi...


"Every time... I... I am s-sad... and feel like... I wanted to give up... I go here... even though it hurts so much seeing my child like this, I think part of me is consoled whenever I am here. I feel like... I am hugging my dear child. I feel... the l-love," she cried.


"I kept on saying sorry to him... or... her... because I failed to protect him." I shook my head with her remarks again. Ayan na naman siya... she's blaming herself again.


"But I am now okay. Tanggap ko na na... baka... hindi talaga siya para sa atin. Hindi siya nakatadhana na makasama natin. He... or she is destined to be our angel. We might lose him, but I know he will be back with us. He will be back once again soon, I believe in that. At panalangin ko na kapag bumalik na siya... tuluyan na tayong maghilom. I can't wait for that day to come."


Unti-unti akong lumuhod sa harap ng aming anak... narinig ko ang pagsinghap ni Aya. May mga hikbi siyang pinipigilan, marahil nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang bibig. Tear kept on pooling in my eyes. God knows how I am grieving and mourning right now. Sa ilang taon na kinimkim ko ito... sa wakas... nailabas ko na... sa harapan mismo ng anak namin.


"I'm sorry..." mahina kong sabi... damn... after all those years, ito lang yata ang masasabi ko. "I'm sorry." My voice cracked.

Fate and Plans (Engineering Student #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon